Sa taglagas ng 2021, nagtanong kami sa mga taga-San Francisco kung ano ang dapat naming pagtuunan ng pansin kung kami ay makapagdadagdag ng Muni service sa unang bahagi ng 2022. Nakatanggap kami ng daan daang pagpunang galing sa mga pagpupulong, email at telepono at sa higit 4,500 na tugon mula sa mga pag-aaral. Gamit ang mga tugong ito, nakabuo kami ng plano na nakatuon sa pagpapanumbalik ng mga koneksyon para sa mga taong may kapansanan at matatanda. Narinig din namin ang isang panawagan para sa pagtaas ng dalas upang mabawasan ang pagsisiksikan at mga oras ng paghihintay sa matataas na ridership na mga linya ng Muni, kaya hinanap namin ang mga pagkakataong ito kung saan pinapayagan ng mga mapagkukunan.
Sa pamamagitan ng pagsuri at pakikipatulungan ng publiko, nakabuo rin kami ng mga panukala para sa mga bagong koneksyon na magagamit ng mas maraming tao patungo sa mas maraming lugar.
Ang mga pagbabago ng serbisyo ay makatutugon sa narinig naming napakaraming uunahin ng publiko noong outreach:
- Ibalik ang mga pangunahing mga koneksyon bago magpandemya, panatilin o ibalik ang mga daanan sa mga mabuburol na lugar at magtuon sa daanan para sa mga taong may kapansanan at matatanda
- Magbigay ng bagong tuwirang mga koneksyon mula sa Western Addition, Tenderloin, at Richmond District papuntang Caltrain, Oracle Park (Giants’ Stadium) at SoMa
- Maglaan ng bagong through-service sa pagitan ng North Beach, Fisherman’s Wharf, Russian Hill at sa Marinang dadaan sa lahat ng mga kapitbahayan sa kanluran
Mga detalye ng Naaprubahan na Plano ng 2022 Muni Service
Ibabalik ang lima sa pitong natitirang pansamantalang suspendidong ruta noong bago ang pandemyang may kasama ang iilang pagbabago. Ang ilan sa mga pagpapabuti sa transit ay magbibigay ng serbisyo sa mga lugar na dating dinadaanan ng dalawang ruta na hindi na ibabalik sa panahong ito.
Tingnan ang buod ng mga inaprubahang pagbabago sa sumusunod na talahanayan at basahin sa ibaba ang mas dagdag na kaalaman.
Linya |
Mga Inaprubahang Pagbabago |
---|---|
2 Clement |
Ibabalik ang kanlurang daan patungong Presidio Avenue at California Street. Kadalasan: Tuwing 15 minuto (twing 20 minuto bago ang pandemya) |
3 Jackson |
Nananatiling pansamantalang suspendido. |
5 Fulton |
Pagpapabuti ng kadalasan sa tuwing 8 minuto. |
6 Haight/Parnassus |
Ibabalik nang buo. Frequency: Every 20 minutes (twing 12 minuto bago ang pandemya) |
8AX Bayshore Express | Ibabalik nang buo. Kadalasan: Bawat 8 minuto |
8BX Bayshore Express | Ibabalik nang buo. Kadalasan: Bawat 8 minuto |
10 Townsend |
Ibabalik ang hilaga papunta sa mga kalyeng Sansome at Montgomery sa Financial District. Muling ihanay sa Potrero Hill upang madaanan ang 16th Street sa halip na 17th Street gamit ang mga bagong linya ng transit. Kadalasan: Tuwing 15 minuto |
12 Folsom/Pacific (short) |
Papahabain mula sa mga kalyeng Main at Howard patungong 16th Street Mission BART Station. Kadalasan: Tuwing 15 minuto |
12 Folsom/Pacific (long) |
Pahahabain mula sa Jackson Street sa Van Ness Avenue patungo sa mga kalsadang Jackson at Filmore. Kadalasan: Tuwing 15 minuto |
21 Hayes |
Ibabalik ang mula Ospital ng St. Mary patungo sa mga kalyeng Grove at Hayes, sa Civic Center Station at sa Main Library, hindi na magpapatuloy sa downtown sa Market Street. Kadalasan: Tuwing 15 minuto (twing 12 minuto bago ang pandemya) |
23 Monterey |
Ibabalik ang dati nang pagkakahanay sa Sloat Boulevard patungong San Francisco Zoo. Kadalasan: Tuwing 20 minuto |
28R 19th Avenue Rapid |
Ibabalik nang buo. Kadalasan: Tuwing 10 minuto |
30 Stockton (short) |
Ibabalik ang kadalasan bago ang pandemya, tuwing 6 minuto (kasalukuyang tuwing 12 minuto) |
31 Balboa |
Pag-reroute mula sa dati na pagkakahanay sa downtown ng Market Street patungong 5th Street, Townsend Street, 3rd Street at Harrison Street na may paradahan sa 4th at King Caltrain Station. Kadalasan: Tuwing 20 minuto |
35 Eureka |
Manatiling hindi nagbabago at manatili sa kasalukuyang pagkakahanay nito. |
38R Geary Rapid | Pagpapabuti ng kadalasan sa tuwing 6 minuto. |
43 Masonic |
Ibabalik sa buong hilaga ng Presidio Avenue at California Street patungong Presidio, the Marina at Fort Mason. Kadalasan: Tuwing 12 minuto |
47 Van Ness | Nananatiling pansamantalang suspendido. |
48 Quintara/24th Street |
Manatiling hindi nagbabago at manatili sa kasalukuyang pagkakahanay nito. |
49 Van Ness/Mission | Panatilihiin ang kasalukuyang dalas, tuwing anim na minute (tuwing walo hanggang siyam na minute bago ang pandemya) |
52 Excelsior | Magbalik sa dating pagkakahanay na magtatapos sa West Portal (kung ang 6 Haight-Parnassus ay ibabalik ayon sa panukala) |
57 Parkmerced | Pahahabain mula sa Eucalyptus Drive at Junipero Serra Boulevard patungong West Portal Station, pagbabalik ng dating koneksyon. |
66 Quintara | Pagbalik sa dating pagkakahanay na magtatapos sa Inner Sunset (kung ang 6 Haight-Parnassus ay ibabalik ayon sa panukala) |
J Church | Babalik ang J Church sa subway sa 15 minutong dalas, at subaybayan namin ang pagganap ng subway habang tumataas ang paggamit at babalik sa SFMTA Board of Directors kung naabot ang mga limitasyon ng pagkaantala na tutukuyin. |
Ibabalik nang buo
- 6 Haight/Parnassus: Ibabalik ang buong ruta na may dalas na tuwing 20 minuto sa halip na 12 minutong dalas noong bago ang pandemya.
- Ang Excelsior at 66 Quintara, kung saan pinahaba pa noong panahon ng pandemya upang madaanan ang mga bahagi ng 6 Haight-Parnassus, ay ibabalik sa dati nitong pagkakahanay na magtatapos sa West Portal at the Inner Sunset, ayon sa pagkakabanggit.
- 8AX Bayshore Express: Ibalik ang ruta nang buo na may dalas na 8 minuto.
- 8BX Bayshore Express: Ibalik ang ruta nang buo na may dalas na 8 minuto.
- 28R 19th Avenue Rapid: Ibabalik nang buo upang mapagbuti ang oras ng biyahe at dagdagan ang dalas upang mabawasan ang pagsisiksikan at oras ng paghihintay sa kahabaan ng ruta kabilang ang 19th Avenue.
- 43 Masonic: Ibabalik nang buo sa hilaga ng Presidio Avenue at California Street patungong Presidio, the Marina at Fort Mason.
Nananatiling pansamantalang suspendido
Ang dalawa pang-buong araw na mga ruta, 3 Jackson at 47 Van Ness, ay mananatiling pansamantalang suspendido. Ang mga rutang ito ay higit na nagpapang-abot sa ibang mga rutang nasa o magkakaroon ng serbisyo. Sa halip, aming titiyaking bawasan ang pagsisiksikan at tagal ng paaghihintay tuwing may mataas na bilang ng mananakay sa mga linya ng Muni sa parehong mga kapitbahayan.
Ibabalik ng may mga Pagbabago
- 2 Clement: Ibabalik ang mula sa kanluran patungong Presidio Avenue at California Street, sa Sentro ng Komunidad ng mga Hudyo, at hindi na dadaan sa Clement Street sa Richmond. Tatakbo tuwing 15 minuto sa halip na tuwing 20 minuto noong bago ang pandemya upang malunasan ang kakulangan ng serbisyo sa 3 Jackson.
- 10 Townsend: Ibabalik mula hilaga patungo sa mga kalsadang Sansome at Montgomery sa Financial District sa halip na sa Van Ness at Jackson. Muling ihahanay sa Potrero Hill upang dumaan sa 16h Street sa halip na sa 17th Street gamit ang mga bagong linya ng transit.
- 21 Hayes: Ibabalik mula Ospital ng St. Mary patungo sa mga kalyeng Grove at Hayes, sa Civic Center Station at sa Main Library, at hindi na tutuloy sa bayan sa Market Street. Dadaan tuwing 15 minuto sa halip na tuwing 12 minuto bago ang pandemya.
- 31 Balboa: I-rereroute mula sa dati nitong pagkakahanay sa bayan ng Market Street patungong 5th Street, Townsend Street, 3rd Street and Harrison Street na may paradahan sa 4th at King Caltrain Station. Papanatilihin ang kasulukuyang takbong 20-minutong takbo. Ito ay magbibigay ng Muni service sa mga taong may kapansanan na nakatira sa 5th Street sa hilaga ng Harrison na kasalukuyang walang koneksyon. Ito ay magbibigay ng bagong daanan sa kahabaan ng 5th Street (sa pagitan ng mga kalyeng Market at Townsend, na siya namang papalit sa iilang bahagi ng dating daanan ng 27 Bryant) at mga bagong tuwirang koneksyon mula Western Addition, Tenderloin at Richmond District kabilang ang:
- Caltrain Depot
- Oracle Park (Giants’ stadium)
- SoMa
- Mission Bay at Potrero Hill
Karagdagang mga Pagbabago
- 5 Fulton: Pagbubutihin ang dalas sa tuwing 8 minuto sa halip na tuwing 10 minuto bago ang pandemya na magbibigay ng dagdag na 20% sa kapasidad, mga mas madalas na tuwirang koneksyon patungong downtown na magbabawas ng tagal ng paghihintay at pagsisiksikan.
- 12 Folsom/Pacific Short: Pahahabain mula sa mga kalyeng Main at Howard patungong Street Mission BART Station sa pamamagitan ng kasalukuyang pagkakahanay ng Folsom/Pacific at 16th Street upang malunasan ang mga pagbabago sa 10 Townsend at kakulangan ng dadaanan sa 47 Van Ness. Ito ay magbibigay ng bagong tuwirang koneksyon mula SoMa at Rincon Hill patungong:
- Gitna ng komersyal ng Mission Street’s
- 16th Street BART
- 14R Mission Rapid
- 12 Folsom/Pacific Long: Pahahabain mula Jackson Street sa Van Ness Avenue patungo sa mga kalyeng Jackson at Fillmore upang malunasan ang pagbabawas ng 10 Townsend tuwing may araw sa weekday. Ito ay magbibigay ng bago, buong araw na daanan mula sa silangang San Francisco.
- 23 Monterey: Ibabalik sa dati nitong pagkakahanay sa Sloat Boulevard patungong San Francisco Zoo sa halip ng pagdaan sa West Portal Station. Ito ay magbibigay ng tuloy-tuloy na koneksyon sa pagitan ng mga pasilyo ng Monterey at Sloat.
- 28 19th Avenue: Pahabain mula Van Ness Avenue at North Point Street patungo sa mga kalsada ng Powell and Beach sa Fisherman’s Wharf upang malunasan ang kakulangan ng daanan ng 47 Van Ness. Ito ay magbibigay ng bagong through-service sa pagitan ng North Beach, Fisherman’s Wharf, Russian Hill at the Marina sa lahat ng mga kapitbahayan sa kanluran at dadaan sa maramihang malalaking pampublikong gitna at mataas na paaralan.
- 30 Stockton Short: Ibalik ang dati nitong dalas noong bago ang pandemya na tuwing 6 minuto sa halip na tuwing 8 minuto upang mabawasan ang pagsisiksikan at tagal ng paghihintay sa Chinatown.
- 38R Geary Rapid: Magpapatakbo tuwing anim na minuto sa halip na tuwing walo upang malunasan ang pagbabawas ng daanan ng 2 Clement at kakulangan ng daanan sa 3 Jackson. Madadagdagan nito ang kapasidad sa ruta ng 25% kung saan mababawsan nito ang pagsisiksikan at tagal ng paghihintay.
- 49 Van Ness/Mission: Patuloy na magpapatakbo ng tuwing anim na minuto upang mas malunasan ang kakulangan ng daanan sa 47 Van Ness sa halip na ibalik sa walo hanggang siyam na minutong dalas bago ang pandemya.
- 57 Parkmerced: Pahabain mula Eucalyptus Drive at Junipero Serra Boulevard patungong West Portal Station kung saan ibabalik ang dating koneksyon.
Mga desisyon
Gagawin din ang mga pagbabago sa ilang ruta na pansamantalang binago sa panahon ng pandemya.
Kasama sa panukala ang tatlong opsyon para sa J Church. Ang Lupon ng mga Direktor ng SFMTA ay bumoto para sa Opsyon 2 kung saan ang J Church ay babalik sa subway sa 15 minutong dalas, na may babala na susubaybayan ng kawani ng SFMTA ang pagganap ng subway habang tumataas ang paggamit at babalik sa Lupon ng SFMTA kung matutukoy ang mga limitasyon ng pagkaantala ay naabot. Pansamantala, ang J Church Transfer Improvements Project ay magsisimulang ipatupad upang makagawa ng accessibility at kaligtasan sa interseksyon ng mga lansangan ng Market at Church. Pag-aaralan din ng mga tagaplano ng transit ang paggamit ng makasaysayang mga riles sa J Church na tumatakbo sa ibabaw ng Market Street.
Kasama rin sa panukala ang tatlong opsyon para sa 35 Eureka at 48 Quintara/24th Street. Ang parehong linya ng bus ay mananatiling hindi nagbabago at mananatili sa kanilang kasalukuyang pagkakahanay. Ang 48 Quintara/24th Street ay magre-reroute sa kalaunan mula sa Castro Street patungo sa Douglass Street kapag ang interseksyon regrade ay ginawa sa Douglass at 25th Street.
Lampas sa Taglamig na: Pagpapalawak ng Serbisyo sa 2022
Aming ipagpapatuloy ang outreach sa komunidad at pagpaplano para sa karagdagang pagbabago sa serbisyo sa buong 2022 habang ipagpapatuloy ang mas palagiang pagtugon sa mga pagbabago sa Muni service.
Patuloy kaming maghahanap ng karagdagang pagpopondo na aming kakailanganin upang makagawa ng anumang karagdagang pagbabago.
Magpapatuloy kami sa mga plano sa pagkuha ng mga tao upang matiyak na hindi maging suliranin ang kakulangan ng mga tauhan sa pagdadagdag ng serbisyo kung kami ay makakuha ng.
Pagpapatuloy naming ang pakikipagtulungan kasama ang komunidad at mga opisyal upang makabuo ng pagpapalawak ng ating Rapid network, mga express na ruta at iba pang pagpapabuti ng dalas ng biyahe upang matugunan ang pagsisiksikan at pagbawas ng tagal ng paghihintay habang patuloy na nanunumbalik ang sistema.