Nagsusumikap kami upang muling ibalik ang mga pasahero sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mataas na kalidad at serbisyong maaasahan ng mga tao. Upang gawing mas maaasahan ang mga iskedyul at mabawasan ang mga oras ng paghihintay at pagkamatao, nagsusumikap kami upang makapag-iskedyul ng serbisyong sumasalamin sa pagkakaroon ng tauhang operator. Ito ay nangangahulugang mag-iiskedyul lamang kami ng serbisyong alam naming malalagyan ng tauhan.
Sa kasamaang-palad, hindi kami nakapagdagdag ng serbisyo nang kasing-bilis na gaya ng inaasahan namin dahil sa malubhang kakulangan ng operator ng transportaston. Nais naming magdagdag ng serbisyo ng Muni sa lalong madaling panahon, ngunit bukod sa aming kakulangan sa operator, mababa ang kita sa lahat ng pinagmumulan. Noong binuo namin ang aming badyet sa FY 2023 at 2024, nagplano kami para sa ilang sitwasyon pagdating sa kita, at ang nararanasan namin sa kasalukuyan ay ang pinakamalalang sitwasyon, mga epektong nararamdaman ng mga ahensyang pantransportasyon sa buong rehiyon. Posible na ang kakulangan sa aming kita ay makakaapekto sa aming mga plano pagdating sa serbisyo kaya pinagsusumikapan namin ang pagtukoy sa pagpopondo—pagmumungkahi ng pagpapalawak ng mga oras ng metro sa buong lungsod, pagtataguyod ng pagpopondo ng estado at paglalatag ng pundasyon para bagong lokal o panrehiyong pinagmumulan ng kita. Patuloy naming uunahin ang pagkuha ng mga operator at makikipagtulungan sa mga gumagawa ng patakaran at sa publiko upang matukoy ang mga bagong nagpapatuloy na pinagmumulan ng pagpopondo upang suportahan ang karagdagang serbisyo ng transit na makakatugon sa mga pangangailangan sa hinaharap.
Ipagpapatuloy namin ang pakikipag-usap at pagpaplano sa komunidad upang buuin ang pagpapalawak sa Rapid network ng Muni at iba pang mga pagpapahusay ng dalas upang matugunan ang pagkamatao at mabawasan ang mga oras ng paghihintay sa Muni. Mayroong napakaraming magkakakumpitensyang pangangailangan para sa ating Muni system, at ginagawa namin ang aming makakaya upang maibalanse ang karamihan sa mga ito hangga't maaari gamit ang mga mapagkukunang mayroon kami.
Habang pinahihintulutan ng mga mapagkukunan, magpapatuloy ang mga pagbabago sa aming serbisyo na inuuna ang mga sumusunod na mithiin:
Pokus sa ekidad. Sa kabuuan ng pandemyang COVID-19, nagpokus kami sa ekidad, kung saan inuuna ang serbisyo sa mga kapitbahayang tinukoy ng aming Muni Service Equity Strategy (Istratehiya ng Ekidad sa Serbisyo ng Muni), at sa mga koridor na may pinakamataas na dami ng sumasakay.
Tanggapin ang mga nagbabagong kalakaran sa pagbiyahe. Gumagawa kami upang iakma ang aming serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.We work to adjust our service to meet the needs of the community. Ang mga kalakaran sa pagbiyahe ay nagbago sa nakaraang dalawang taon na may kapansin-pansing pagbabaho sa mga residente ng San Francisco na bumibiyahe sa pagitan ng mga kapitbahayan sa halip na sa kalakaran ng pagbiyaheng nakasentro sa abalang oras sa downtown na laganap bago ang pandemya. Habang bumabangon ang lungsod, ang mga kalakaran sa pagbiyahe ay malamang na magbabagong muli, kaya't kami ay madalas na sinusubaybayan at binabago ang serbisyo ng Muni, habang mayroong mapagkukunan, upang tumugon sa mga pagbabagong ito.
Lubos na mapakinabangan ang subway. Ipinagmamalaki namin ang malaking gawaing naisakatuparan namin sa subway simula pa noong umpisa ng pandemya, at bumubuo kami sa tagumpay na iyon upang patuloy na lubos na mapakinabangan ang subway sa pamamagitan ng pakikibahagi sa isang malakihang proseso upang mapahusay ang paggana ng subway. Ang mga pagbabago sa panahon ng pandemya ay lubos na pinabuti ang kahusayan, bilis, pagkamaaasahan at sa kabuuan, na tumutulong sa ating lubos na mapakinabangan ang kasalukuyang impraestruktura.
- Implementation / Construction
Pinlano para sa Hulyo 9, 2022
Tingnan ang mas malaking mapa - PDF
Linya | Pagbabago sa Serbisyo
(Kumpara sa Ikalawang Yugto na serbisyo) |
Dalas sa Araw |
Inayos ang Dalas ng Araw |
---|---|---|---|
2 Sutter | Ipapanumbalik ang bahagi ng ruta bago ang pandemya mula Presidio Avenue at California Street papuntang Downtown. |
- |
Bawat 20 minutes |
6 Haight/Parnassus | Ibalik ang mga koneksyon bago ang pandemya. |
- |
Día de Semana y Fin de Semana: Bawat 20 minuto |
14R Mission Rapid | Ibalik ang ilang karagdagang serbisyo sa hanay ng bahagi ng ruta mula sa Outer Mission patungong Downtown, habang mayroong mapagkukunan. |
Sa mga Araw Lamang mula Lunes hanggang Biyernes: Kada 5 minuto (sa mga oras na abala) |
Walang pagbabago sa dalas |
21 Hayes | Ipapanumbalik ang bahagi ng ruta sa bago ang pandemya mula St. Mary’s Hospital hanggang Civic Center Station at Main Library, hindi na magpapatuloy sa downtown sa Market Street. |
- |
Bawat 20 minuto |
23 Monterey | Ipapanumbalik sa pagkakahanay bago ang pandemya sa Sloat Boulevard patungo sa San Francisco Zoo. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 20 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: 30 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |
28 19th Avenue | Pahahabain mula Van Ness Avenue at North Point Street hanggang Powell Street at Beach Street sa Fisherman’s Wharf upang mapalitan ang 49 Van Ness-Mission na magtatapos sa Van Ness/North Point. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 12 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 15 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |
29 Sunset | Dadagdagan ang dalas sa araw mula Lunes hanggang Biyernes. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 10 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 12 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 9 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 12 minuto |
43 Masonic | Ipapanumbalik ang paghahanay bago ang pandemya, pahahabain hanggang hilaga ng Presidio Avenue at California Street patungong Presidio, Marina at Fort Mason. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 12 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |
45 Union/Stockton |
Dagdagan ang dalas upang matugunan ang pagsisiksikan |
Bawat 12 minuto | Bawat 10 minuto |
49 Van Ness | Ibalik ang buong ruta bago ang pandemya sa Van Ness at North Point sa halip na sa Powell at Beach street. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 6 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 8 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |
52 Excelsior | Ibalik ang buong ruta bago ang pandemya. | Bawat 20 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |
57 Parkmerced | Pahahabain mula Eucalyptus Drive at Junipero Serra Boulevard papuntang West Portal Station, ipapanumbalik ang ilang koneksyon bago ang pandemya. | Bawat 20 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |
58 Lake Merced | Iibahin ang ruta upang mapaglingkuran ang Brotherhood Way sa halip na Westlake Shopping Center. | Bawat 20 minuto | Bawat 30 minuto |
66 Quintara | Bumalik sa pagkakahanay bago ang pandemya na magtatapos sa Inner Sunset. | Bawat 20 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |
L Taraval Bus | Paikliin ang rutang tumatakbo sa pagitan ng SF Zoo at West Portal Station at dagdagan ang dalas. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 10 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 12 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 8 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 10 minuto |
Mga pagbabago sa hinaharap
Linya | Pagbabago sa Serbisyo (Kumpara sa Ikatlong Yugto na serbisyo) |
Dalas sa Araw
(Mula sa Ikatlong Yugto) |
Inayos ang Dalas ng Araw |
---|---|---|---|
2 Sutter | Dadagdagan ang dalas sa araw mula Lunes hanggang Biyernes. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 20 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 15 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
5 Fulton | Dadagdagan ang pang-araw na dalas sa araw mula Lunes hanggang Biyernes. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 10 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 8 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 8 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 8 minuto |
9R San Bruno Rapid |
Ibalik ang dalas bago Ikalawang Yugto mga pagsasaayos (tingnan sa itaas). |
Bawat 12 minuto |
Bawat 10 minuto |
10 Townsend | Ipapanumbalik ang bahagi ng ruta sa bago ang pandemya mula Potrero Hill hanggang Sansome Street at Montgomery Street sa Financial District. Ihahanay sa Potrero Hill upang magpatakbo sa 16th Street sa halip na 17th Street, gamit ang mga bagong transit lane. |
- |
Bawat 20 minuto |
12 Folsom/Pacific Short |
Pahahabain mula Main Street at Howard Street papuntang 16th Street Mission BART Station. Dadagdagan ang dalas sa araw mula Lunes hanggang Biyernes. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 20 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 15 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
12 Folsom/Pacific Long |
Pahahabain mula Jackson Street sa Van Ness Avenue papuntang Jackson Street at Fillmore Street. Dadagdagan ang dalas sa araw mula Lunes hanggang Biyernes. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 20 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 15 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
21 Hayes | Dadagdagan ang dalas sa araw mula Lunes hanggang Biyernes. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 20 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 15 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
28R 19th Avenue Rapid | Ipapanumbalik ang buong ruta sa bago ang pandemya sa mga araw mula Lunes hanggang Biyernes lamang (katulad ng bago ang pandemya). |
- |
Bawat 10 minuto (araw mula Lunes hanggang Biyernes lamang) |
31 Balboa | Magpalawak mula Market Street patungong Caltrain Station (Townsend at 4th Street) sa pamamagitan ng SoMa gamit ang 3rd at 5th street. | Bawat 20 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |
38R Geary Rapid | Dadagdagan ang dalas sa araw mula Lunes hanggang Biyernes. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 8 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 10 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 6 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 10 minuto |
Pagpapalawak ng Serbisyo
Ipinatupad noong Pebrero 19, 2022
Linya | Pagbabago sa Serbisyo (inihambing sa Disyembre 2021) |
Kasalukuyang Dalas sa Araw | Dalas sa Araw sa Pebrero |
---|---|---|---|
J Church | Pinalawig na serbisyo sa subway. Ang J Church ay tatakbo mula Balboa Park hanggang Embarcadero Station sa halip na magtatapos sa Church Street. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 10 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 12 minuto |
Bawat 15 minuto |
Lahat ng metro line (J Church, KT Ingleside-Third Street, M Ocean View, N Judah) | Pinalawig na serbisyo sa Linggo hanggang 12 a.m. | VNag-iiba depende sa metro line; tutugma sa kasalukuyang dalas tuwing Sabado | Nag-iiba depende sa metro line; tutugma sa kasalukuyang dalas tuwing Sabado |
Tandaan: Simula noong Enero 7, 2023, hindi na pinagsama ang K Ingleside at T Third. Ang K Ingleside ay patuloy na tumatakbo sa pagitan ng Balboa Park at mga istasyon ng Embarcadero. Ang T Third ay tumatakbo sa pagitan ng Sunnydale at Chinatown-Rose Pak Station sa pamamagitan ng Central Subway.
Ipinatupad noong Abril 16, 2022
Linya | Pagbabago sa Serbisyo (Kumpara sa Unang Yugto na serbisyo) |
Dalas sa Araw (Mula sa Unang Yugto) |
Inayos ang Dalas ng Araw |
---|---|---|---|
1 California |
Dadagdagan ang dalas sa buong ruta. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 8 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 12 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 7 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 10 minuto |
8 Bayshore | Sa ilang oras sa araw, papalitan ang serbisyo ng mga 8AX at 8BX Express (tingnan sa ibaba). |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 5 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 7 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 8 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 7 minuto |
8AX Bayshore Express | Ipapanumbalik ang buong ruta sa bago ang pandemya sa mga araw mula Lunes hanggang Biyernes lamang (katulad ng bago ang pandemya). |
- |
Bawat 8 minuto |
8BX Bayshore Express | Ipapanumbalik ang buong ruta sa bago ang pandemya sa mga araw mula Lunes hanggang Biyernes lamang (katulad ng bago ang pandemya). |
- |
Bawat 8 minuto |
9R San Bruno Rapid | Bawasan ang dalas. |
Bawat 10 minuto |
Bawat 12 minuto (araw mula Lunes hanggang Biyernes lamang) |
14R Mission Rapid | Walang pagbabago. | Bawat 10 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |
30 Stockton |
Ibalik ang pang-araw-araw na pandagdag na serbisyo sa araw mula 7 ng umaga hanggang 4 ng hapon kasama ang bahagi ng ruta mula Van Ness at North Point hanggang Caltrain. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 12 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 15 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 6 minuto (7 ng umaga hanggang 4 ng) Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 7.5 minuto (8 ng umaga hanggang 5 ng) |
49 Van Ness | Walang pagbabago. |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 12 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
Mga Araw mula Lunes hanggang Biyernes: Bawat 12 minuto Mga Araw ng Sabado at Linggo: Bawat 20 minuto |
56 Rutland | Palalawigin ang serbisyo hanggang Burton High School. | Bawat 20 minuto |
Walang pagbabago sa dalas |