Ano ang dapat maging serbisyo ng Muni sa 2022?
Magmula pa noong Abril 2020, ibinalik na ng SFMTA ang serbisyo na mayroon ang Muni bago ang pandemyang COVID-19, nagdagdag ng serbisyo sa mga corridor (rutang nakatalaga para sa tiyak na layunin) na marami ang gumagamit, lumikha ng mga bagong linya ng Muni, at nagtuon ng pagpapahusay sa Muni sa mga komunidad na natukoy bilang Stratehiya para sa Pagkakaroon ng Katarungan sa Pagkakapantay-pantay sa mga Serbisyo ng Muni. Mayroong pitong buong araw na ruta ng bus na hindi pa natin naibabalik, pati na rin ng mga bahagi ng dalawa pang ibang ruta.
Ngayon, hinihiling namin sa inyo kung anong serbisyo ng Muni ang gusto ninyo sa 2022, at nakabuo na kami ng tatlong alternatibo na puwede ninyong maisaalang-alang.
Kung paano kayo makapagbibigay ng opinyon tungkol sa serbisyo ng Muni sa 2022
- Alamin ang tungkol sa 3 alternatibo para sa serbisyo ng Muni sa 2022
- Sagutan ang Sarbey tungkol sa serbisyo ng Muni sa 2022 online o sa telepono sa 415.646.2005 (Ang Survey ay matatapos sa Oktubre 1)
- Dumalo sa isa sa tatlong virtual na open house
- Pormal na presentasyon na may kasamang Pagtatanong at Pagsagot (Q&A)
May makukuhang libreng pagsasalin. Mangyaring hilingin ang pagsasalin nang 48 oras bago ang pagtitipon sa TellMuni@SFMTA.com o sa 415.646.2005.
- Ipasagot ang inyong mga tanong sa kawani ng SFMTA sa virtual na mga oras ng pag-oopisina
- Lunes, Setyembre 20, 2021, 11 a.m. - 1 p.m.
- Huwebes, Setyembre 23, 2021, 6 p.m. - 8 p.m. **Pangkabataang Oras ng Tanggapan**
May makukuhang libreng pagsasalin. Mangyaring hilingin ang pagsasalin nang 48 oras bago ang pagtitipon sa TellMuni@SFMTA.com o sa 415.646.2005.
Pangkabataang Oras ng Tanggapan
Iniimbitahan ang mga kabataang lumahok sa Virtual na Oras ng Tanggapan kasama ang mga tauhan ng SFMTA sa Huwebes Setyembre 23, ika-6 nang gabi upang malaman ang tatlong mga senaryo dahil ang paglilingkod ng Muni ay mababago ang paraan ng kanilang pagpunta sa paaralan at iba pang mga gawain sa paligid ng San Francisco. Makapagtatanong ang mga kabataan at makakakuha ng mga katugunan mula sa mga tauhan ng SFMTA tungkol sa mga usaping mas mahalaga sa kanila tungkol sa paglilingkod ng Muni sa 2022.
Gayundin, mangyaring makipag-ugnay sa TellMuni@SFMTA.com o 415.646.2005 para sa tukoy na puna sa mga sumusunod na ruta ng Muni kung saan gumawa kami ng mga pangunahing pagbabago sa panahon ng pandemya:
Bakit ngayon?
Unang binawasan ng SFMTA ang serbisyo ng Muni noong pandemyang COVID-10, at lumikha ito ng Muni Core Service Network (Mga Sasakyan ng Muni na Nagbibigay ng Batayang mga Serbisyo). Magmula noong Abril 2020, ilang ulit na naming dinamihan pa ang mga serbisyo. Naibalik na namin ang serbisyo na dati nang mayroon kami. Nagdagdag na rin kami ng serbisyo sa mga corridor (rutang nakatalaga para sa tiyak na layunin) na marami ang gumagamit at lumikha ng mga bagong linya, na nagtutuon ng mga pagpapahusay sa Muni sa mga komunidad na natukoy bilang Muni Service Equity Strategy (Stratehiya para sa Pagkakaroon ng Katarungan sa Pagkakapantay sa mga Serbisyo ng Muni), kung saan mas matataas ang bilang ng mga residenteng mababa ang kita at mga taong may kulay.
-
Dramatiko na naming naparami ang serbisyo ng Muni sa mga corridor na marami ang gumagamit, tulad ng Mission at 16th Street, kung saan tumatakbo ang bus nang kada dalawang minuto ang dalas. Nagpapatakbo na kami ngayon ng mas marami pang serbisyo ng Muni sa ilang corridor, kasama na ang mga corridor ng Mission at Potrero/San Bruno, kung ihahambing sa panahon bago ang pandemya.
- Nagkakaloob ng mabibilis na koneksiyon ang bagong 15 Bayview Hunters Point Express ng Muni sa pagitan ng mga lokal na hintuan sa Bayview at pinakamahahalagang destinasyon sa may Third Street papunta sa Financial District.
-
Pinalitan na namin ang ruta ng 22 Filmore upang makapaglingkod ito sa Mission Bay, kasama na ang UCSF campus, medical center, at Chase Center. Nakipagtrabaho kami sa komunidad upang mapagdesisyunan ang mga hintuan para sa bagong koneksiyon sa 16th street corridor, na papalitan ang 22 Fillmore sa Potrero Hill at papalitan ang 55 16th Street ng bagong 55 Dogpatch.
- Pinalitan na ng bagong 58 Lake Merced ng Muni ang 23 Monterey sa Sloat Boulevard at ang 57 Parkmerced na nasa kaliwang bahagi ng Lake Merced habang nagkakaloob ng bagong mga koneksiyon sa Westlake District na nasa Daly City. Kumokonekta na ngayon ang 23 Monterey sa West Portal Station.
Sa panahong ito, hindi pa naibabalik ang pitong buong araw na ruta ng bus ng Muni: 2 Clement, 3 Jackson, 6 Haight/Parnassus, 10 Townsend, 21 Hayes, 41 Union, 47 Van Ness.
Bakit kailangang bisitahin muli ang network ng Muni?
Konokonekta ng Muni ang mga komunidad ng San Francisco. Habang bumabangon ang lungsod mula sa pandemyang COVID-10, bumubuo naman ang SFMTA ng mungkahi kung paano maibabalik ang serbisyo ng Muni sa 2022. Sa loob ng nakaraang ilang taon, at sa kabuuan ng pandemya nakita na natin ang pagbabago ng mga pattern o karaniwang pagbibiya at ng mga pangangailangan sa pagbibiyahe. Kailangan ba nating ibalik ang buong araw na mga ruta ng Muni na hindi pa naibabalik? O dapat bang damihan pa natin ang serbisyo sa mga linya ng Muni kung saan napakarami ng sumasakay, at nang mapahusay pa ang pagiging maaasahan at ang mga koneksiyon sa mga groseriya, ospital, paaralan, at pinagtatrabahuhan kung saan may mga pagkakaiba-iba o diversity, habang binabawasan naman ang panahon ng paghihintay at kasikipan, at hindi na ibalik ang pitong buong araw na ruta ng bus bago ang pandemya na hindi pa naibabalik?
Para mapagdesisyunan kung paano pinakamainam na magagamit ang mga rekurso ng SFMTA, nakabuo ng tatlong posibleng mangyari o scenario na nagpapakita ng antas ng serbisyo ng Muni na maipagpapatuloy ng SFMTA. Sa alternatibong hindi pagbabalik ng pitong ruta ng bus ng Muni bago ang pandemya na hindi pa naibabalik, layunin naming gumawa ng iba pang pagpapahusay sa Muni na makababawas sa oras ng paghihintay at sa kasikipan sa pareho pa ring pangkalahatang komunidad.
Ibabahagi ng SFMTA ang tatlong alternatibong ito, na mga posibilidad kung paano maibabalik ang serbisyo ng Muni, sa unang bahagi ng 2022, at iniimbita ang publiko na magbigay ng opinyon ukol sa mga alternatibong ito.
Nakabuo na kami ng tatlong posibleng mangyari o scenario para maisaalang-aalang ninyo ang mga ito, at sa ngayon, tinatanong namin kung anong serbisyo ng Muni ang gusto ninyo sa 2022. Nakatuon ang tatlong scenario na ito sa buong araw na serbisyo. Habang nagpapatuloy ang pagbangon mula sa pandemya, mas maraming trabaho ang gagawin upang maplano ang serbisyo sa panahong marami ang nagbibiyahe.
- Ibabalik ng alternatibong Pamilyar (Familiar) ang buong araw na mga ruta ng Muni na hindi pa naibabalik.
-
TPararamihin ng alternatibong Madalas (Frequent) ang serbisyo sa mga linya ng Muni na marami ang sumasakay, kung kaya’t mapaghuhusay pa ang pagiging maaasahan ng Muni at ang mga koneksyon sa mga groserya, ospital, paaralan, at pinagtatrabahuhan habang binabawasan naman ang panahon ng paghihintay at kasikipan, at hindi na ibabalik ng pitong ruta ng bus ng Muni bago ang pandemya na hindi pa naibabalik: the 2 Clement, 3 Jackson, 6 Haight/Parnassus, 21 Hayes and 47 Van Ness.
-
Hangarin ng alternatibong Pinagsama (Hybrid) na balansehin ang mga senaryo na Pamilya (Familiar) at Madalas (Frequent) at hindi nito ibabalik ang dalawang ruta: ang 3 Jackson at ang 47 Van Ness.
Kung ihahambing ang posibleng mangyari na Pamilyar (Familiar) sa posibleng mangyari na Madalas (Frequent), sa oras ng pagbibiyahe na 30 minuto, posibleng makapunta ang karaniwang taga-San Francisco sa humigit-kumulang 4,000 mas maraming trabaho at oportunidad sa edukasyon, at sa oras ng pagbibiyahe na 45 minuto, sa 9,000 mas maraming trabaho at oportunidad sa edukasyon.
Idinedetalye rito ang bawat alternatibo, ipinapakita ang mga ruta at dalas na ipagkakaloob ng bawat alternatibo, at kung paano maaapektuhan ng bawat alternatibo ang mga koneksiyon sa mga oportunidad, lalo na sa mga komunidad na natukoy ng ating Muni Service Equity Strategy, bilang mga tao na hindi lubusang nabibigyan ng serbisyo at representasyon, mga tao na may kulay, mabababa ang kita at mga tao na mas mabagal na naglalakad o gumugulong kung ihahambing sa iba.
May ilang pagbabago sa serbisyo ng Muni na nakaplano para sa 2022 Muni Service Network na ipatutupad anuman ang mangyari. Sa 2022, ang serbisyo ng Muni ay...
- Pananatilihin ang buong araw na serbisyo sa loob ng dalawa hanggang tatlong bloke ng lahat ng hintuan ng Muni na mayroong buong araw na serbisyo bago ang pandemya.
- Ibabalik ang 28R 19th Avenue Rapid na kada 10 minuto.
-
Pahahabain ang 43 Masonic nang may iba’t ibang opsiyon sa kung saan pupunta ito. Tingnan ang StoryMap para sa mga opsiyon.
-
Ibabalik ang 10 Townsend nang may iba’t ibang opsiyon sa kung saan pupunta ito. Tingnan ang StoryMap para sa mga opsiyon.
Dadalhin ng SFMTA ang impormasyong ito sa komunidad at iba pang may interes o stakeholders at nang mapag-isipan ng lahat ang mapagpipilian at maipahayag ang kani-kanilang opinyon. Gagamitin ng mga kawani ang mga opinyong ito upang lalo pang mapahusay ang mga mungkahi at gagamitin din ang mga ito ng Lupon (Board) ng SFMTA para makagawa ng desisyon na sumasalamin sa mga pinahahalagahan ng San Francisco.
Tatlong panahon o rounds ng pag-abot sa nakararami ang pinaplano namin sa 2021:
1. . Pagpapasimula ng Pagpapalahok sa mga May Interes o Stakeholder (Hulyo - Setyembre)
Mga presentasyon at diskusyon sa mahahalagang organisasyong nakabase sa komunidad at nag-aadbokasyang mga grupo at nang matalakay ang tatlong posibleng mangyari at mapalahok ang mga may interes sa pagdedesisyon kung alin sa mga senaryo ang pinakaangkop sa mga pangangailangan ng San Francisco, at sa pagtukoy ng anumang hamon o inaalala, nang may layunin na mapaghusay ang mga senaryo batay sa pagbibigay ng opinyon na ito sa ikalawang panahon ng pag-abot sa nakararami.
2. Pagpapalahok sa Kabuuan ng Lungsod (Setyembre-Oktubre)
Pagpapalahok sa publiko sa pamamagitan ng pagtalakay sa tatlong posibleng maganap at pagtukoy sa anumang hamon o inaalala sa bawat isa sa mga senaryo gamit ang aming StoryMap, pagtataguyod ng tatlong virtual na Open House, kung saan may makukuhang pagsasalin kapag hiniling ito, mga pagpupulong at oras ng pag-oopisina, at pag-abot sa nakararamit sa pamamagitan ng midya na nasa iba’t ibang wika, at nang mapalahok ang pinakamalawak na posibleng tagapakinig o mambabasa, na may pagbibigay atensiyon sa mga tagapakinig o mambabasa na may kasaysayan na hindi nabibigyan ng sapat na serbisyo. Kokolekta ng opinyon ukol sa tatlong alternatibo sa pamamagitan ng makukuhang palatanungan sa online o sa pamamagitan ng telepono. Gagamitin ang makakalap na mga opinyon sa panahong ito, na nakapares na sa datos ukol sa transportasyon, upang makabuo ng mungkahi para sa 2022 Muni Service Network.
3. Pagtugon sa mga Narinig Namin: Pagpapahusay pa sa Network (Oktubre-Nobyembre)
Sa yugtong ito, kokonsulta kami sa mga may interes o stakeholder, ihaharap ang mungkahi para sa 2022 Muni Service Network, at magkakaloob ng mga detalye kung paano naimpluwensiyahan ng opinyon ng publiko ang mungkahi. Kapag napaghusay na ang mungkahi sa panahong ito, dadalhin ito sa Lupon ng SFMTA para maisaalang-alang sa pag-aabruba, na inaasahang mangyari sa Disyembre 6, 2021.