Lubos naming sinusubaybayan kung ano ang nangyayari sa nover coronavirus (COVID-19). Mangyaring patulong na tingnan ang page na ito para sa mga pinakabagong update.
Tingnan ang aming COVID-19 Data Dashboard upang makita ang datos na nagbibigay ng kaalaman sa aming pagpaplano sa COVID-19 at pagpapagaling.
Kumuha ng mga Update: Para sa mga update sa paglalakbay at pagbiyahe, mangyaring bumisita sa aming email at text alert subscription page. Maaari mo kaming i-follow sa Twitter at Facebook para sa mga pinakabagong update sa Muni at COVID-19.
Serbisyo ng Muni
Patuloy na pinapalawak ng Muni ang serbisyo at ipinapatupad ang 2022 Muni Service Network plan kung pinapayagan ng mga mapagkukunan. Ang 2022 Muni Service Network plan ay binuo na may pampublikong puna, na inuuna ang:
- Pag-uugnay ng mga kapitbahayan sa aming Muni Service Equity Strategy sa mahahalagang destinasyon tulad ng mga ospital, food hub at commercial corridors ng kapitbahayan
- Pag-aangkop sa pagbabago ng mga pattern ng paglalakbay
- Sulitin ang sistema ng Muni at mga pagpapabuti sa buong sistema
Epektibo sa Hulyo 9:
Kasama sa mga naibalik na ruta ang:
- 2 Sutter: California Street sa Presidio Avenue hanggang Ferry Plaza
- 6 Haight-Parnassus: 14th Avenue sa Quintara Street hanggang Ferry Plaza
- 21 Hayes: Fulton at Stanyan streets (St. Mary’s Hospital) hanggang Grove at Hyde streets
Kasama sa binagong/pinalawak na mga ruta ang:
- 23 Monterey: Ocean Beach hanggang Bayview District sa pamamagitan ng Sloat Boulevard
- 28 19th Avenue: Daly City BART hanggang Fisherman’s Wharf
- 43 Masonic: Munich Street sa Geneva Avenue hanggang Fort Mason
- 49 Van Ness - Mission: City College hanggang Van Ness Avenue sa North Point Street
- 52 Excelsior: Persia Avenue sa Prague Street hanggang Forest Hill Station
- 57 Parkmerced: West Portal Station hanggang Daly City BART
- 58 Lake Merced: Stonestown papuntang Daly City, sa pamamagitan ng Lake Merced Boulevard, Brotherhood Way at Mission Street
- 66 Quintara: Judah Street sa 9th Avenue hanggang Vicente Street sa 30th Avenue
- L Taraval Bus: SF Zoo papuntang West Portal Station, gamitin ang Muni Metro para sa serbisyo sa downtown
Inaasahan naming gumawa ng mga karagdagang pagbabago sa serbisyo sa tag-init ng 2022 bilang bahagi ng 2022 na plano sa pagpapatupad ng Muni Service Network.
Tingnan ang Ipinalit na Muni Bus para sa mga Isinuspindeng Linya ng Tren.
Libreng Muni at Paratransit sa mga Appointment para sa Bakuna para sa COVID-19
Libre ang Muni at Paratransit sa mga magpapabakuna para sa COVID-19. Kabilang dito ang mga biyahe papunta at pabalik at nagbibigay rin ng isang beses na pagtaas sa inilalaan para sa mga gumagamit ng Essential Trip Card. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring basahin ang pinakabago naming blog post.
Ang Muni Owl Service
Epektibo sa Agosto 14, 2021, palalawigin ang pang-araw na serbisyo ng bus hanggang hatinggabi at ang Owl service sa dis-oras ng gabi at patatakbuhin mula Hatinggabi hanggang 5 a.m. Ang L Owl service lamang ang patuloy na patatakbuhin mula 10 p.m. hanggang 5 a.m.
Ang mga sumusunod na linya ay patatakbuhin ng 24 na oras sa isang araw o magbigay ng espesyal na Owl Service: L Owl*, N Owl*, 5 Fulton, 14 Mission, 22 Fillmore, 24 Divisadero*, 25 Treasure Island, 38 Geary, 44 O'Shaughnessy*, 48 Quintara/24th Street, 90 San Bruno Owl, 91 3rd Street/19th Avenue Owl (*ang Owl route ay naiiba sa pang-araw na ruta)
Tingnan ang mapa ng Plano ng Muni Owl Service sa panahon ng COVID para sa mga detalye tungkol sa ruta
Mga Pamasahe: Iaangkop ang mga pamasahe sa Golden Gate Transit, at ang mga customer ng Clipper ay mangangailangan ng parehong tag on at tag off sa katapusan ng kanilang biyahe.
Hindi Siniserbisyuhang Ruta
1AX, 1BX, 3, 7X, 10, 14X, 28R, 30X, 31AX, 31BX, 38AX, 38BX, 41, 47, 76X, 81X, 82X, 83X, 88, NX, E
Karamihan sa mga rutang hindi siniserbisyuhan ay limitado, kaunti ang sumasakay o nagbibigay ng katumbas na serbisyo sa mga kasalukuyang ruta.
Pinakabagong Mapa ng Pangunahing Serbisyo ng Muni
Mga Paalala Hinggil sa COVID, Hakbang na Pangkalusugan at Iniaatas ng Pederal na Pamahalaan Hinggil sa Pagsusuot ng Mask
Upang makatulong sa pagpapatigil ng pagkalat ng COVID-19, iniaatas ang mga face mask ng pederal na batas sa mga istasyon ng Muni at habang nakasakay. Iniaatas din ang mga mask sa paratransit at sa mga taxi. Ang mga paglabag ay maaaring magresulta sa hindi pagpapasakay o pagpapababa sa Muni at maaaring maghatid ng mga pederal na parusa.
Ang iniaatas na mask ng pederal na pamahalaan ay nagkabisa noong Pebrero 1, 2021.
Ang mask na naisusuot nang tama:
- Lubos na natatakpan ang ilong at bibig ng nagsusuot nito
- Naisusuot sa ulo, kabilang ang mga pantali o pansabit sa tainga
- Kasyang-kasya sa magkabilang pisngi
- Kailangang doble ang layer ng mga neck gaiter
Hindi kabilang sa mga mask ang mga face shield at dapat maging solidong materyal na walang hira, exhalation valve, o butas. Ang mga pantakip sa mukha gaya ng mga scarf at bandana ay hindi tumutugon sa iniaatas na ito. Para sa higit pang impormasyon, kabilang ang mga iksemsyon at eksepsyon, mangyaring bumisita sa website ng CDC hinggil sa iniaatas sa pagsusuot na mask sa transportasyon. Tingnan Direktiba sa Seguridad ng Transportation Security Administration (Pangasiwaan sa Seguridad ng Transportasyon). Ang lahat ng pang-estado at lokal na pampublikong utos na pangkalusugan ay nananatiling may bisa.
Mangyaring huwag sumakay ng Muni kung masama ang iyong pakiramdam, maliban kung kailangang magpagamot pagkatapos kumonsulta sa iyong medikal na provider.
Mga Hakbang na Pangkalusugan at Pangkaligtasan na Aming Isinasagawa
Ang kalusugan ng mga empleyado at customer ng SFMTA ay ang aming nangungunang priyoridad. Walang partikular na panganib ng COVID-19 sa mga sumasakay ng transit o paratransit; ngunit mas lalo kaming nag-iingat upang malimitahan ang pagkahantad.
Ang mga naglilinis sa sasakyang Muni, naglilinis sa istasyon at kawani ng paratransit ay araw-araw na nililinis at isina-sanitize ang mga sasakyan at ibabaw na madalas mahawakan gamit ang mga ligtas at tumatalab na disinfectant.
Maaari kang makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng coronavirus. Bumisita sa mga website ng San Francisco Department of Public Health (Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco) at sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) para sa mga rekomendasyon upang makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng coronavirus.
Magkasamang Pagsakay: Plano sa Malusog na Pagsakay sa Bay Area
Noong Setyembre 15, 2020, inaprubahan ng SFMTA Board of Directors ang resolusyon na nag-eedorso ng Riding Together: Bay Area Healthy Transit Plan (Sama-samang Pagsakay: Plano sa Malusog na Pagsakay sa Bay Area). Binuo ang planong ito sa pakikipagtulungan ng mga lider ng rehiyon, manggagawa ng transit, tagapagkaloob ng paratransit, tagapagtaguyod sa mga sumasakay, at mga dalubhasa sa pampublikong kalusugan at nakabatay sa pananaliksik sa pambansa at pandaigdigang pinakamahuhusay na gawain para sa pagsakay ng transit sa panahon ng pandemyang COVID-19. Nakakatakda sa plano ang mga pangunahing hakbang para sa mga ahensya ng transit sa Bay Area upang matiyak ang kalusugan ng mga sumasakay at manggagawa ng transit sa panahon ng pandemyang COVID-19 at isinasaad ang mga karaniwang pangako at inaasahan para sa mga empleyado at pasahero. Mag-uulat buwan-buwan ang SFMTA sa pagkilos ng Ahensya sa paghanay sa mga pangunahing hakbang na itinakda sa plano.
Makukuha ang karagdagang impormasyon tungkol sa pagsubaybay ng SFMTA sa kalusugan at kaligtasan sa page na Transportation Recovery Plan (Plano ng Pagbangon ng Transportasyon ng SFMTA.
Mga Alternatibo sa Muni
Ang San Francisco ay naghahandog ng maraming oportunidad, bukod sa pampublikong transit, upang makalibot nang walang personal na sasakyan. Tingnan ang mga opsyon sa ibaba.
Ang mga Slow Street
Alamin ang tungkol sa mga Slow Street at tingnan ang mapa.
Isinara ang mga piling kalye sa mga sasakyan upang bigyang priyoridad ang paglalakad o pagbibisikleta.
- Pinahihintulutan ang lokal na pagdaan ng sasakyan (hal., pagpasok sa driveway para sa mga residente) at ang mga kalye ay hindi lubusang isinara.
- Ang mga taong naglalakad/tumatakbo sa kalye ay walang right-of-way (karapatang mauna sa daan) sa mga de-motor na sasakyan.
- Sa oras na mailagay, ang mga koridor ng mga Slow Street ay may bisa ng 24/7.
- Iniaatas ang mga pantakip sa mukha
Mga Bisikleta at Scooter
Ang pag-commute sa pamamagitan ng bisikleta o scooter ay isang mahusay na paraan para makalibot. Maghanap ng ruta ng bisikleta para sa iyong commute gamit ang mapa ng network ng bisikleta ng SFMTA. Ang San Francisco Bike Coalition ay maaaring tumulong sa mga nagbibisikletang commuter at naghahandog ng mga libreng webinar sa pagbibisikleta sa kalunsuran.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa mga site ng operator:
Mga Taxi at mga Taxi na may Rampa
Upang humiling ng taxi, maaari kang tumawag nito sa kalye o sa hintayan ng taxi, o maghanap sa direktoryo ng taxi o taxi na may rampa na mapapasukan ng wheelchair para sa mga link sa mga app at impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Magtanong tungkol sa mga patakaran at regulasyon sa kalusugan: Iniaatas pederal na batas ang mga face mask.
Mga Nagmamaneho ng Taxi: Mangyaring tingnan ang page para sa mga Update sa mga Serbisyo ng Taxi sa panahon ng COVID-19 o tumawag sa 415.701.4400 para sa impormasyon tungkol sa kung paano tumutugon sa pandemya ang mga Serbisyo ng Taxi. Sarado ang tanggapan para sa mga Serbisyo ng Taxi hanggang sa karagdagang abiso.
Ang Essential Trip Card
Gumawa ang SFMTA ng programang Essential Trip Card upang matulungan ang matatanda at mga taong may mga kapansanan na isagawa at bayaran ang mahahalagang biyahe sa mga taxi sa panahon ng krisis na ito.
Ang mga taong may mga kapansanan o nasa edad na 65+ ay magbabayad ng 20% ng gastos sa karaniwang sakay para sa mahahalagang biyahe na hanggang $60 sa halaga kada buwan. Bumisita sa page ng programang Essential Trip Card upang madagdagan ang kaalaman.
Ang Shop-a-Round ay Nakakatulong sa Iyo sa Paglibot
Ang Shop-a-Round ay nagkakaloob ng mga murang sakay sa shuttle o may subsidyong taxi na nagpapadali sa paggo-grocery. Ang serbisyo ng SFMTA na ito ay naghahandog sa mga nakarehistrong matatanda at mga taong may kapansanan ng isinapersonal na tulong at sakay papunta/mula sa tindahan ng grocery.
- Ang mga customer ay hindi kinakailangang maging karapat-dapat sa paratransit ng ADA upang makagamit ng serbisyo
- Ang serbisyo ay naghahatid sa mga customer sa mga piling supermarket sa San Francisco para mamili.
- Tutulong ang drayber sa pagbubuhat ng mga ipinamili sa pagsakay at pagbaba ng shuttle/taxi
Programang Essential Worker Ride Home
Ang programang Essential Worker Ride Home ng lungsod ay nagkakaloob ng sakay ng taxi pauwi mula sa trabaho sa mga kuwalipikadong kalahok na bumibiyahe papunta sa trabaho sa pamamagitan ng sustainable na uri ng transportasyon. Alamin pa ang tungkol sa pagiging karapat-dapat at kung paano mag-apply.
Programang Emergency Ride Home
Ang programang Emergency Ride Home ay nagkakaloob ng sakay ng taxi pauwi para sa mga indibidwal na nagtatrabaho sa San Francisco.
Paratransit
Ang serbisyo ng Paratransit ay patuloy na pinapatakbo gaya ng karaniwan. Iniaatas pederal na batas ang mga face mask kapag sumasakay ng taxi o van at kapag bumibisita sa SF Paratransit Office. Ang mga paglabag ay maaaring magresulta sa pagtanggi ng serbisyo at maaaring maghatid ng mga pederal na parusa. Kung masama ang iyong pakiramdam o hindi itinuturing na mahalaga ang iyong biyahe, hinihiling namin na mangyaring kanselahin mo ito sa pamamagitan ng pagtawag sa 415.285.6945 sa lalong madaling panahon.
Ang SF Paratransit Office ay magpapatakbo nang may limitadong kapasidad sa mga regular na oras ng tanggapan (Lunes - Biyernes, 9:00 a.m. - 4:45 p.m.). Ang mga oras ng teller window ay sumasailalim sa pagbabago. Ang binawasang kawani ay naririto upang tumanggap ng mga kabayarang cash para sa buwanang paglalaan ng debit card para sa taxi lamang.
Golden Gate Transit: Karagdagang Serbisyo ng Bus
Pinapayagan ng Golden Gate Transit ang mga lokal na biyahe sa pagitan ng lahat ng hintuan ng bus ng Golden Gate Transit sa San Francisco. Bumisita sa website ng Golden Gate Transit para sa mga iskedyul, pamasahe at mapa. Iniaatas ng pederal na batas ang mga face mask.
Suporta sa Negosyo
Mga Shared Space: Mag-apply para magamit ang bangketa, lane na paradahan ng sasakyan o kalye para sa iyong negosyo
Mag-apply para sa permit para sa Shared Space upang magamit ang bangketa o lane na paradahan ng sasakyan para sa pagpapatakbo ng negosyo, kagaya ng paupuan, kainan o retail pickup. Mayroon ding mga opsyon para makipagtulungan sa mga negosyo at residente para sa mga pagpapatupad ng pagsasara ng kalye upang masuportahan ang mga lokal na negosyante. May bisa ang mga permit hanggang Disyembre 30, 2021, maliban kung mag-iiba ang tagubilin.
Pagpapatupad sa Pagmamaneho at Pagparada ng Sasakyan
Kasalukuyang ipinapatupad ang lahat ng regulasyon.
Ang pagbabayad kapag natiketan dahil sa pagparada ng sasakyan o sa trapiko at mga pagsasapanahon ng pagprotesta ay kasalukuyang may bisa. Mangyaring bayaran ang iyong tiket o mag-enrol sa isang community service (serbisyong pangkomunidad) o plano ng pagbayad upang maiwasan ang mga singil sa pangkaantala sa pagbabayad. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa aming page para sa mga opsyon sa pagbabayad.
Mga Parking Meter
Dahil sa pangangailangan para sa paradahang malapit sa mga lokal na negosyo ini-update ang mga pagpe-presyo sa parking meter at muling binigyan ng priyoridad ang pagpapatupad sa parking meter.
Mga Parking Garage
Muling binuksan ng SFMTA ang pag-aari ng lungsod na mga parking garage. Tingnan ang bawat garage para sa mga oras.
Serbisyo sa Customer, mga Pass at Card
Ang Customer Service Center at Regional Transit Card Discount ID Office sa 11 South Van Ness Avenue ay bukas. Kumuha ng karagdagang impormasyon at maghanap ng mga lokasyon upang bumili ng mga SFMTA pass, card at serbisyo. Maaari ka ring humiling ng Regional Transit Connection (RTC) card online.
Mga Permit sa Pagsasara ng Kalye para sa Espesyal na Kaganapan
Kasalukuyan kaming tumatanggap ng mga aplikasyon para sa mga special events (espesyal na kaganapan).
Mga Karagdagang Sanggunian
I-download, i-save at gamitin ang mga virtual background ng Muni para sa alinman sa iyong mga gustong platform sa video chatting.
Para sa mga panlungsod at lokal na update ng Department of Emergency Management (Kagawaran sa Pamamahala ng Emerhensya tungkol sa COVID-19, i-text ang "COVID19SF" sa 888-777.
Mga Website
Pambuong lungsod na website ng COVID na may mga FAQ
San Francisco Department of Public Health (sfdph.org)
San Francisco 72 Hours
San Francisco Department of Emergency Management
CA Department of Public Health
Center for Disease Control and Prevention
@SF_DPH
@SF_emergency
@CAPublicHealth
@CDCgov
San Francisco Department of Emergency Management
CA Public Health
Center for Disease Control and Prevention
Video
Ipinapahayag ng mga Opisyal ng Lungsod ang bagong Kautusan sa Pampublikong Kalusugan sa Marso 16
Panoorin ang mga video na "Quick Facts in Coronavirus" (“Maikling Kaalaman tungkol sa Coronavirus”) at "Hand Washing" (“Paghuhugas ng Kamay")