Pagpaplano ng Badyet ng SFMTA - Mga Taon ng Pananalapi 2025 at 2026

Noong Martes, Abril 16, inaprubahan ng Lupon ng mga Direktor ng SFMTA ang FY 2025 at FY 2026 SFMTA na Pinagsama-samang Badyet sa Pagpapatakbo at Kapital ng ahensya.

Ang Badyet na ito ay magbibigay-daan sa amin na magpatuloy sa pagbibigay ng: serbisyo sa pagbibiyahe ng 72 linya ng Muni; serbisyong paratransit para sa kalahating milyong matatanda at mga taong may kapansanan bawat taon; mga programa at proyektong pangkaligtasan sa kalye tulad ng mga bagong disenyo ng kalye na ginagawang mas ligtas ang ating mga kalsada para sa lahat; at iba pa. Gumagawa din ito ng katamtamang pagtaas sa mga pamasahe, bayarin at multa sa Muni habang pinoprotektahan ang mga nangangailangang populasyon, pagtaas ng equity sa pamasahe at pagsuporta sa kalusugan ng pananalapi ng ahensya sa hinaharap. Para sa karagdagang impormasyon sa panukalang badyet, maaari mong suriin ang pagtatanghal ng badyet noong Abril 16 na ibinigay namin sa Lupon ng SFMTA.

Introduksyon sa Proyekto (Project Introduction)

Pagsasanay sa Pagbalanse ng Badyet

Ang San Francisco City Charter ay nag-aatas sa SFMTA na magsumite ng dalawang taong badyet sa mga even-numbered na taon na nagbabalangkas kung paano ilalaan ng ahensya ang mga mapagkukunan nito sa pagpapatakbo nang kapital para sa susunod na dalawang taon.

Ang transportasyon ay mahalaga sa San Franciso sa pagiging kakayahan matirahan, kasiglahan at pagbawi ng ekonomiya, gayundin sa katarungan ng mga layunin sa kapaligiran. Habang pinaplano namin ang aming dalawang taong badyet para sa Fiscal Year (FY) 24-25 at FY 25-26, kami ay nakatutok sa kung paano namin pinakamahusay na magagamit ang aming limitadong mga mapagkukunan upang mabigyan ang mga San Franciscan ng mga serbisyo sa transportasyon na kailangan nila. Ang aming hamon ay ang pagbawi mula sa epekto sa ekonomiya ng pandemya ng COVID-19 at pakikipagbuno sa kakulangan namin ng istruktura bago ang pandemya.

Project Timeline
Agosto 2023 hanggang Enero 2024
Pagpaplano at Pagsulong
Completed
Enero 2024 hanggang Marso 2024
Outreach at Pakikipag-ugnayan
Completed
Marso 2024 hanggang Mayo 2024
Pagsusuri at Pag-apruba ng Board of Director
Completed

Proseso ng Pagbuo ng Badyet

Upang maitatag ang dalawang taong badyet, ang mga kawani ng SFMTA ay bumuo ng munkahing plano sa mga kita at paggasta para sa darating na dalawang taong cycle para sa Operation at Capital Badyets. Tinatalakay ng Board of Directors ng SFMTA ang badyet sa pamamagitan ng maraming pagpupulong ng boards at upang ma- aprubahan ang badyet at maiharap ito sa Alkalde nang hindi lalampas sa Mayo 1 ng bawat taong bilang. Binabalangkas ng City Charter ang mga pormula na tumutukoy sa antas ng pagpopondo na inilalaan sa SFMTA mula sa Pangkalahatang Pondo ng lungsod. Kung ang iminungkahing badyet ay nasa loob ng antas ng pagpopondo, i-papasa ng Alkalde ang badyet sa Board of Supervisors ayon sa panukala. Maaaring payagan ng Board of Supervisors ang badyet ng SFMTA na magkabisa nang walang anumang aksyon o maaari nitong tanggihan ang badyet.

Upang patuloy na makapagbigay ng parehong antas ng mga programa - mula sa serbisyo ng Muni hanggang sa kontrol sa trapiko at sa pagpapabuti sa kaligtasan sa lansangan – kailangan naming makalikom ng $12.7 milyon sa bagong kita. Ito ay dahil ang mga gastos ay tumataas bawat taon dulot ng inflation at ang halaga ng pamumuhay. Iminumunkahi namin ang pagtaas ng mga pamasahe sa Muni at ang parking fees at iba pang mga multa upang matulungan ang kakulangan o agwat sa badyet at nais naming ipaliwanag ang mga panukala sa iyo at tumugon sa ano mang mga tanong at alalahanin: Pagbabalanse sa ating Badyet sa FY 2025 at 2026.

 

Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

Nagdaos kami ng dalawang pampublikong sesyon ng pakikinig, isang virtual at isang personal, upang iprisinta ang aming mungkahi sa badyet sa mga miyembro ng komunidad, pakinggan ang mga tanong at alalahanin, at talakayin kung paano pinopondohan ang ahensya at naglalaan ng mga mapagkukunan. Sa mga sesyon na ito, ang mga nangungunang isyu na ipinahayag ng mga tao ay:

  • Mga alalahanin tungkol sa hindi pagbabayad ng pamasahe at seguridad sa Muni
  • Mga alalahanin tungkol sa mga pagbabago sa mga pamasahe sa transit at mga singil sa pagparada ng sasakyan
  • Interes sa dagdag na akses sa mga programa ng diskwento sa pamasahe sa Muni

Sa pagsasaalang-alang sa opinyon na ito, muli naming sinuri ang aming mga mungkahi sa badyet sa FY 24-25 at FY 25-26 at ipiprisinta at pagkatapos ay isasapinal ang mga ito sa Abril 2024. Maaari mong mapakinggan ang buong pangkalahatang pananaw ng mga mungkahing ibibigay sa virtual na sesyon ng pakikinig.

Network ng Serbisyo ng Muni

Bilang bahagi ng proseso ng pagpaplano ng badyet, hinihingi namin ang opinyon ng customer tungkol sa kasalukuyang network ng serbisyo ng Muni – lahat ng serbisyo sa mga kalye mula pa noong Enero 2024 – na kinabibilangan ng mga dating pagbabago sa L-Taraval bus, sa 28-19th Avenue bus at sa Powell-Mason Cable Car na ipinapatupad na. Dahil sa aming mga limitasyon sa pananalapi, walang mga bagong pagbabago sa serbisyo ang iminumungkahi sa kasalukuyan. Ang anumang mga pagbabago sa serbisyo sa hinaharap ay hindi hihigit sa kita. Ang kasalukuyang plano ng serbisyo ay isasama sa mga diskusyon ng aming Lupon sa badyet at magiging bukas sa pampublikong komento. Ang mga detalye tungkol sa kasalukuyang network ng serbisyo ay matatagpuan sa webpage sa Mga Ruta at Hintuan ng Muni.   

Maraming pang mga Pagkakataon para Magbigay ng Opinyon na Darating sa Abril - nais naming makarinig mula sa iyo!

Magdaraos ang Lupon ng mga Direktor ng SFMTA ng mga pagdinig sa Abril para talakayin ang dalawang-taong badyet nito, kabilang ang mga mungkahi sa mga pamasahe, singil, multa at serbisyo ng transit. 

Gaganapin ang mga pagpupulong sa Martes, Abril 2, 2024 sa ganap na 1:00 p.m. sa City Hall, Room 400  at Martes, Abril 16, 2024 sa ganap na 1:00.p.m. sa City Hall, Room 400. Isang karagdagang pakikipagpulong sa Lupon ng mga Direktor ang maaaring idaos sa Abril 23, 2024, sa ganap na 1:00 p.m. sa City Hall Room 400 kung kailangan.

☎ 415.646.4470: For free interpretation services, please submit your request 48 hours in advance of meeting. / Para servicios de interpretación gratuitos, por favor haga su petición 48 horas antes de la reunión. / 如果需要免費口語翻譯,請於會議之前48小時提出要求。 / Para sa libreng serbisyo sa interpretasyon, kailangan mag-request 48 oras bago ang miting. / Đối với dịch vụ thông dịch miễn phí, vui lòng gửi yêu cầu của bạn 48 giờ trước cuộc họp. / Для бесплатных услуг устного перевода просьба представить ваш запрос за 48 часов до начала собрания. / Pour les services d'interprétation gratuits, veuillez soumettre votre demande 48 heures avant la réunion. / 무료 통역 서비스를 원하시면 회의 48 시간 전에 귀하의 요청을 제출하십시오. / 無料通訳サービスをご希望の場合は、会議の48時間前までにリクエストを提出してください。

 

 

Impormasyon sa Badyet

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay (Contact Information)
415.646.2299