This page has older content

Please see Related Projects on this page for current project information. We are keeping this page as a record of SFMTA outreach.

Fall 2022 Slow Streets Update

Share this:

Kasunod ng tagumpay ng COVID Response Slow Streets Program, ang SFMTA ay nagmumungkahi ng isang patuloy na Slow Streets Program para sa San Francisco. Ang SFMTA ay magdadala ng mga detalye ng Programa sa SFMTA Board sa noong Disyembre 6, 2022, kasama ang isang resolusyon na naglalaman ng isang paunang hanay ng 15 na koridor para sa Slow Streets Network. 

Makilahok sa Disyembre 6, 2022 SFMTA Board of Directors Meeting 

Petsa: Disyembre 6, 2022 

Oras: 1:00 PM  

Lokasyon: City Hall, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, San Francisco, CA, Room 400, Floor 4  

O sa online at www.sfgovtv.org/sfmtaLIVE

Agenda: Na-post sa SFMTA Board meeting calendar event noong Martes, Nobyembre 29, 2022: https://www.sfmta.com/calendar/board-directors-meeting-december-6-2022  

Ang mga miyembro ng publiko ay maaaring dumalo sa meeting upang obserbahan at magbigay ng pampublikong komento sa lokasyon ng pisikal na pagpupulong na nakalista sa itaas o online sa online at www.sfgovtv.org/sfmtaLIVE

Para sa higit pang detalye tungkol SFMTA Board meeting sa Disyembre 6, 2022, kasama ang agenda ng meeting at mga tagubilin para sa pagbibgay ng pampublikong komento, pakibisita ang mga kaganapan sa SMFTA Board meeting calendar sa Disyembre 6, 2022: Board of Directors meeting, December 6, 2022 | SFMTA.  

Iminungkahing  Slow Streets Program 

Inirerekomenda ng kawani na aprubahan ng SFMTA Board ang isang Slow Streets Program (Programa) upang magtatag ng mga rutang mababa ang stress sa mga residential street sa San Francisco para sa nakasalo o nakabahaging transportasyon. Pinahihintulutan ang lokal na trapiko sa mga koridor na ito, ngunit inuuna ng mga kalyeng ito ang pagbibisikleta, paglalakad, at iba pang paraan ng aktibong transportasyon. Ang bawat koridor ay idinisenyo upang makamit ang pangkalahatang layunin ng Programa 

Bumuo ng mga low-stress na kalye na nagbibigay ng mga aktibong koneksyon sa transportasyon sa loob ng mga kapitbahayan at kumonekta sa at/o pagpapahusay sa inirerekumendang bikeway network ng Lungsod na may pagtuon sa pagpapabuti ng mga residential na kalye sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa trapiko ng sasakyan, na ginagawang mas madaling mag-navigate at mas madali para sa paglalakad at pagbibisikleta. 

Batay sa pinakamahuhusay na kagawian sa buong bansa mula sa NACTO Urban Bikeway Design Guide, iminumungkahi ng kawani ng SFMTA ang sumusunod na malinaw, batay sa datos na mga target na pamantayan para sa pagtiyak ng tagumpay at kaligtasan sa network ng Slow Streets: 

  • Dami ng Sasakyan:  
    • Target na 1,500 Average sa Pang-araw-araw na Trapiko 
    • Pinakamataas na 3,000 Average sa Pang-araw-araw na Trapiko 
  • Bilis ng Sasakyan:  
    • Target na 20 Milya kada oras  
    • Pinakamataas na 25 Milya kada oras 

Iminungkahing Slow Streets Program Corridors 

Ang sumusunod ay isang listahan ng15 na Slow Streets o mabagal na kalye na inirerekomenda para isama sa Slow Streets Program: 

 

Dating Awtorisadong Slow Streets pagkatapos ng Pandemic na Muling Awtorisahan sa ilalim g Programa 

Ang COVID-19 Response Slow Streets ay Awtorisahan sa ilalim ng Programa  

Mga Bagong Inirerekomendang  Slow Streets na Awtorisahan sa ilalim ng Programa  

Slow Streets ipapasa sa Lupon para sa pagsasaalang alang para sa pagsasama sa Programa 

Golden Gate Avenue, mula Parker Street hanggang Broderick Street 

23rd Avenue, mula Lake Street hanggang Cabrillo Street 

22nd Street, mula Bryant Street hanggang Chattanooga Avenue 

Lake Street, mula Arguello Boulevard hanggang 25th Avenue 

Sanchez Street, mula 23rd Street hanggang 30th Street 

Arlington Street, mula Roanoke Street hanggang Randall Street 

Cayuga Avenue, mula Naglee Avenue hanggang Rousseau Street 

 

Shotwell Street, mula Cesar Chavez hanggang 14th Street 

Cabrillo Street, mula 45th Street hanggang 25th Street 

 

 

 

Somerset Street, mula Silver Avenue hanggang Woolsey Street 

 

 

 

Clay Street, mula Arguello Boulevard hanggang Steiner Street 

 

 

 

Hearst Avenue, mula Ridgewood Avenue hanggang Baden Street 

 

 

 

Lyon Street, mula Turk Street hanggang Haight Street 

 

 

 

Minnesota Street, mula Mariposa Street hanggang 22nd Street 

 

 

 

Noe Street, mula Duboce Avenue hanggang Beaver Street 

 

 

10 

 

12th Avenue, mula Lincoln Way hanggang Lawton Street 

 

 

 

Ang paunang hanay ng mga koridor na iminungkahi para sa pagsasama sa permanenteng programa ng Slow Streets ay sumasalamin sa pinakamatagumpay na mga koridor na ipinakilala bilang bahagi ng programa ng COVID Response Slow Streets, kasama ang dalawa pang koridor na nakakatugon sa mga pamantayang pangprograma. 

Mga Susunod na Hakbang 

Nakabinbin ang pahintulot mula sa Lupon ng mga Direktor ng SFMTA, iminumungkahi ng kawani ng SFMTA na simulan ang pagkolekta ng na-update na datos ng dami at bilis ng sasakyan para sa bawat isa sa mga awtorisadong 15 na kalye ng Programa ngayong Fall o Taglagas, na gagamitin upang matukoy kung paano gumagana ang mga kasalukuyang pag-aayos at kung kinakailangan ang mga pagbabago upang matugunan ang mga target ng pamantayan ng Programa. Sa buong huling bahagi ng 2022 at unang bahagi ng 2023, bubuo ang mga kawani ng SFMTA ng mga binagong disenyo para sa mga koridor ng Slow Streets upang sumulong sa proseso ng pampublikong pagdinig. 

Taglamig ng 2022/2023 ang anumang natitirang pansamantalang COVID-19 Response Slow Streets na materyales sa mga kalye na hindi inirerekomenda para isama sa kasalukuyang programa. 

Mga Tanong? 

Tingnan ang aming dokumento ng Fall2022 Slow Streets Dokumento sa Mga Madalas Itanong: Fall 2022 Slow Streets FAQs | SFMTA .Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa meeting ng Lupon ng mga Direktor sa Disyembre 6, 2022, mag-email sa MTABoard@sfmta.com