This page has older content

Please see Travel & Transit Updates for current updates. We are keeping this page as a record of SFMTA service.

Narito ang ilang bagay na puwedeng gawin ng mga tao para protektahan ang kanilang sarili

Share this:
Service Affected
Accessibility
Bicycle
Motorcycle
Parking
Taxi
Driving
Transit
Walking

Narito ang ilang bagay na puwedeng gawin ng mga tao para protektahan ang kanilang sarili:

Kung nakikita, nalalasahan, o nararamdaman mo ang usok, bawasan kaagad ang mga aktibidad sa labas. Lalong mahalaga ito kung may mga problema ka sa kalusugan (halimbawa, mga tao na may sakit sa puso o sakit sa paghinga tulad ng hika), kung ikaw ay matanda, buntis, o may inaalagaang bata.

Pangangalaga Ng Sarili

Kontakin ang iyong health care provider kung nararanasan mo ang mga sumusunod na sintomas:

  • Paulit-ulit na pag-ubo
  • Kinakapos ang hininga o nahihirapang huminga
  • Humuhuning paghinga
  • Paninikip o pananakit ng dibdib
  • Mabilis na pagtibok ng puso
  • Pagduduwal o hindi karaniwang pagkapagod
  • Pagkahilo

 

Tulad ng dati, kung ikaw o isang kakilala mo ay nakakaranas ng emergency na mapanganib sa buhay, tumawag sa 9-1-1.

Sundin ang mga pag-iingat na ito para protektahan ang iyong kalusugan:

  • Bawasan ang mga aktibidad sa labas
  • Hangga't maaari manatili sa loob nang nakasara ang mga bintana at pinto
  • Huwag magbubukas ng bentilador na nagdadala sa loob ng usok mula sa labas
  • Paandarin lamang ang air-conditioner mo kung hindi ito nagdadala sa loob ng usok mula sa labas
  • Pag-isipang umalis sa lugar hanggang mabawasan ang usok kung nakakaranas ka ng mga sintomas na dulot ng pagkakalantad sa usok