Sinasalamin ng Plano para sa Transportasyon na Naka-base sa Komunidad ng Visitacion Valley a Portola (Visitacion Valley and Portola Community-Based Transportation Draft Plan) ang mahigit dalawang taon ng pakikipagkonsultasyon sa lokal na komunidad upang matukoy ang mga pangangailangan, prayoridad, at mga pinahahalagahan ng komunidad na nauukol sa mas mahusay na kaligtasan sa kalye, pag-akses at paggamit, at pagbuo ng nakatutugon at ibinubunsod ng komunidad na mga solusyon. Kasama rito ang 45 proyekto – mga pagpapahusay sa transportasyon na nagkakahalaga ng $25 milyon – sa kabuuan ng Visitacion Valley, Portola, Little Hollywood at Sunnydale na hiniling ng mga miyembro ng komunidad. Kasama rin dito ang mga rekomendasyon sa polisiya na hiniling na isagawa ng SFMTA sa hinaharap upang mapaghusay ang kakayahang makapunta sa iba’t ibang lugar, paggamit ng lahat, at kalidad ng buhay ng mga residente.
Pag-abot sa mas Nakararami at mga Opinyon
Salamat sa matitibay na lokal na pakikipag-partner sa Family Connections Centers sa Portola at sa River of Life Church sa Visitacion Valley, nakakonekta kami sa mahigit sa 2,000 residente sa pamamagitan ng halos 40 pagtitipon, at nakakolekta ng halos 600 sarbey at mahigit sa 400 nakasulat na komento upang malikha ang Burador o Draft na Plano.
Nakatulong ang unang bahagi ng pag-abot sa nakararami ng SFMTA upang matukoy ang mga pangangailangan, pinahahalagahan, at mga hamon na kinakaharap ng mga miyembro ng komunidad kapag ginagamit ang mga lokal na kalye. Nakatulong ang ikalawang bahagi ng pag-abot sa nakararami upang mabuo natin at mapaghusay pa ang posibleng mga solusyon sa pamamagitan ng lokal na mga opinyon.
Ngayong nasa ikatlong bahagi na tayo ng pag-abot sa nakararami, hinihiling namin sa mga miyembro ng komunidad na bigyang-prayoridad kung alin sa mungkahing mga proyekto ang dapat na unang isagawa ng SFMTA.
Hinihiling ng Ikatlong Bahagi (Phase Three) ng sarbey sa mga residente na bigyan ng ranggo ang pinal na listahan ng mga proyekto na nasa Burador o Draft na Plano. Ang opinyon ng mga residente ang magpapasya kung aling mga proyekto ang unang isasagawa. Ibahagi ang inyong palagay gamit ang aming sarbey na nasa Ingles, sarbey na nasa Tsino, sarbey na nasa Espanyol, sarbey na nasa Filipino, o sarbey na nasa Vietnamese.
Mga Susunod na Hakbang
Ibabahagi namin ang Burador o Draft na Plano para sa pagbibigay-opinyon ng publiko hanggang sa dulo ng Enero. Sa Enero, isasama namin ang nakolektang opinyon ng publiko sa Pinal na Plano, at pagkatapos ay dadalhin namin ito sa Lupon ng mga Direktor (Board of Directors) ng SFMTA para sa kanilang pag-apruba sa tagsibol ng 2023.
Kung gusto ninyo kaming magbigay ng presentasyon sa inyong pangkat sa komunidad, paki-email kami sa VisValleyPortolaPlan@SFMTA.com.