Impormasyon Ukol Sa Transportasyon at Pag-byahe sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC)

Martes, Nob. 21 update: mayroon na ngayong regular na serbisyo sa lahat ng ruta ng Muni.

Sa pahinang ito


Mga Pangunahin Protektadong lugar at mga karagdagan kaganapan

Simula Lunes Nob 20 ay walang security zone.
Simula Lunes Nob 20 ay walang karagdagang mga kaganapan.

Bumalik sa itaas


Serbisyo ng Muni habang may APEC

Ang lahat ng serbisyo ng Muni ay naibalik noong Martes Nob 21.

Bumalik sa itaas


Sa mga Residente at Negosyo

Simula Lunes Nob 20 ay walang security zone. Walang mga epekto sa mga residente at negosyo.

Bumalik sa itaas


Paratransit at Taxis

Ang normal na serbisyo ng SF Paratransit ay naibalik.

Bumalik sa itaas


Pagmaneho at Parking

Simula Lunes Nob 20 ay walang mga pagsasara ng kalsada na may kaugnayan sa APEC.

Simula Lunes Nob 20 ay may mga epekto sa paradahan at mga garahe na may kaugnayan sa APEC.

Bumalik sa itaas


Ruta para sa Bisikleta at Maglalakad

Simula Lunes Nob 20 ay walang epekto sa pagbibisikleta o paglalakad na may kaugnayan sa APEC.

Bumalik sa itaas


Tungkol sa APEC

Ikinagagalak ng San Francisco ang pagtanghal ng pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Nobyembre, isa pinakamalaking pagpupulong ng mga pinuno sa buong mundo magaganap dito sa San Francisco. Karamihan ng mga aktibidad ay magaganap sa South of Market at Nob Hill. Dahil sa laki ng patitipon, ang APEC ay maaaring maka-apekto sa mga biyahe sa iba’t ibang parte ng San Francisco. Ang mga epektong ito sa biyahe at transportasyaon ay magaganap mula sa ika-13 ng Nobyembre hanggang ika-19 ng Nobyembre.

Mahigit sa 20,000 katao ang inaasahang dadalo sa makasaysayang pagpupulong, kabilang ang mga pinaka matataas na pinuno at opisyales mula sa mahigit sa 20 miyembro pangekonomiya sa Asia, Pacific, North America at South America. Bisitahin ang APEC Website (APEC2023SF.org) para sa pangkaragdagang impormasyon ukol sa pagpupulong.

Ang mga tao ay dapat umasa sa malawakang epekto sa tapiko sa loob at palibot ng mga protektadog lugar ng U.S. Secret Service (Vehicle Exclusion Zone). Ang mga tao ay papahintulutang makapasok sa loob ng protektadong lugar upang makarating sa kani-kanilang tahanan, trabaho at maisagawa ang kanilang negosyo pagkatapos ng mahigpit na pagsusuri.

Ang mga pagsasara ng mga kalsada at kalye ay inaasahan magsisimula ng Lunes, ika-13 ng Nobyembre hanggang Linggo, ika-19 ng Nobyembre. Ang mg apagsasarang ito ay maghahatid ng malakihang epekto sa trapiko.

Sa mga pupunta sa San Francisco, asahan ang masikip at mabigat na trapiko, pagkaantala at pag-iiba ng mga daan. Asahan din ang pagkaantala at siksikan sa Muni at SF Paratransit habang may pagpupulong sa APEC. Karagdagang aktibidad ay maaaring maganap ng walang sapatang babala na maaring makaapekto sa Muni, trapiko, sasakyan at akseso ng tao.

Ito ay isang malaking pagkakataon para sa San Francisco upang kuminang sa entablado ng pandaigdigan at inaasahan din magpapasok ito ng milyung kita sa lungsod. Aming nauunawaan na ang mga pagbabagong ito ay magdudulot ng malaking hamon at kami ay nagpapasalamat sa inyong suporta at pangunawa sa pagtanghal ng San Francisco sa isa sa pinkamalaki at primiyadong pagpupulong ng pandaigdigang pinuno. Ang pahinang ito ay aming babaguhin sa mga bagong impormasyon. Para sa mga bagong impormasyon at notipikasyon, mag subscribe sa Muni SMS o email.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay (Contact Information)
415-701-2311