Biking and Rolling Plan (Plano para sa Pagbibisikleta at Pagrorolyo)

Introduksyon sa Proyekto (Project Introduction)

Ang Biking and Rolling Plan (Plano para sa Pagbibisikleta at Pagrorolyo) ay 2-taon na proseso ng pagpaplano upang makabuo ng bagong plano para sa aktibong paggalaw sa San Francisco. Itinutuon ng bagong plano ang mga pamumuhunan ng San Francisco para sa kinabukasan sa sistema ng aktibong transportasyon, mga pasilidad na nagbibigay-suporta, programa, at polisiya para sa susunod na 10-15 taon. Kasama sa pagsusumikap sa bagong pagpaplano na ito ang lahat ng kagamitan na legal na nakagagamit sa sistema ng aktibong transportasyon at iniaangat nito ang mga boses at pangangailangan ng mga komunidad na binibigyan ng prayoridad upang magkaroon ng katarungan sa pagkakapantay-pantay.

Dumarating ang planong ito sa mahalagang sandaling ito para sa San Francisco: napakarami na ang nabago magmula noong ipinatupad ang huling Pangunahing Plano para sa Pagbibisikleta (Bicycle Master Plan) noong 2009. Ang Vision Zero at ang Stratehiya ng Pagkilos ng SF para sa Klima (SF Climate Action Strategy) na ang gumagabay sa aming trabaho at nagtutulak sa agad na pagsasakatuparan ng mga gawain. Sa pamamamagitan ng mahihigpit at may kolaborasyong pakikipag-partner sa mga komunidad, pinapanday ng plano ang pinagkaisahang bisyon na sumasalamin sa mga pangangailangan ng komunidad at nagsusulong sa mga tunguhin ng lungsod.

Nakapaloob sa Biking and Rolling Plan (Plano para sa Pagbibisikleta at Pagrorolyo) ang nagsasama sa lahat na buong taon na proseso ng pag-abot sa nakararami, at nang mapalahok ang mga residente sa kabuuan ng lungsod ukol sa pagbibisikleta, pag-iiskuter, pagroroloyo at kung paano ito puwedeng maisakatuparan, o dapat maisakatuparan. Kasama sa malawak na pagpapalahok ng plano ang pagtutuon sa komunidad ng may kapansanan, mga komunidad na iisang wika ang sinasalita, kabataan, at kababaihan/trans/non-binary (hindi eksklusibong babae o lalaki) na mga indibidwal. Magsisimula ang outreach sa Enero 2023 at magtatapos sa pagpapatibay ng plano sa unang bahagi ng 2025. 

Kasama sa Biking and Rolling Plan (Plano para sa Pagbibisikleta at Pagrorolyo) ang naka-target na pagpapalahok sa mga komunidad na may kasaysayan ng hindi pagkakasali at hindi sapat ang nakukuhang serbisyo sa pagpaplano ukol sa transportasyon: Bayview-Hunters Point, Outer Mission/Excelsior, Ang Mission, SoMa, ang Tenderloin, at ang Western Addition/Fillmore.

Project Timeline
Hulyo 2022 - Disyembre 2022
Pagsisimula + Kompleto na ang Kasalukuyang mga Kondisyon
Completed
Setyembre 2022 – Marso 2023
Isinasagawa pa ang Pagsusuri at mga Interbyu sa Komunidad
Completed
Enero 2023 - Hunyo 2023
Pag-abot sa Nakararami sa Kabuuan ng Lungsod: Isinasagawa pa ang Yugto 1
Completed
Hunyo 2023 - Enero 2024
Pag-abot sa Nakararami sa Kabuuan ng Lungsod: Isinasagawa pa ang Yugto 2
Completed
Enero 2024 – Marso 2024
Break ng proyekto
Completed
Marso 2024 – Hunyo 2024
Pinuhin ang Panimula sa Mga Kasosyo sa Komunidad, Mga Patakaran, Programa, Mapa ng Pagkakakonekta
Completed
Hulyo 2024 – Agosto 2024
Mga open house para sa buong lungsod
Completed
Setyembre 2024 – Disyembre 2024
Pinuhin ang plano, magdaos ng mga karagdagang pagpupulong sa komunidad
Pending
Maagang 2025
Huling Pag-ampon ng Plano
Pending
Katayuan ng Proyekto (Project Status)
  1. Planning

People biking down Valencia Street in the Mission

Mga Tunguhin ng Plano

Lumilikha ang Biking and Rolling Plan (Plano para sa Pagbibisikleta at Pagrorolyo) ng bagong bisyon para sa aktibong transportasyon sa San Francisco: ginagabayan nito ang pamumuhunan kung saan ito pinakakailangan, naghahatid ng bagong mga programa upang masuportahan ang pagbibisikleta at pagrorolyo, at ipinatutupad ang mga pagbabago sa polisiya upang magkaroon ng konektado at para sa kabuuan ng lungsod na sistema. Ang mga tunguhing ito ang gumagabay sa Plano: 

Isulong ang katarungan sa pagkakapantay-pantay: Tinutugunan ang mga pinsala at kawalan ng pagkakapantay-patay sa nakaraan, na naglimita sa mapagpipilian at sa paggamit sa transportasyon; sinusuportahan ang hinaharap ng transportasyong may katarungan sa pagkakapantay-pantay, kung saan may pamamaraan ang lahat ng komunidad na magkaroon ng mapagpipilian sa pagbibiyaheng nakatutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Suportahan ang kaligtasan para sa lahat ng gumagamit ng mga kalye: Bigyan ng prayoridad ang ligtas at aktibong mga ruta ng transportasyon na komportableng magagamit ng lahat ng indibidwal, na iba’t iba ang edad at kakayahan.

Suportahan ang pagkilos para sa klima (climate action): Kailangang gawing mapipiling opsiyon ng San Francisco ang transportasyon na low-carbon (nagpapakaunti sa nakalalasong sangkap sa hangin) para sa lahat ng residente. Suportahan ang mga pagbabago sa kabuuan ng lungsod tungo sa pagbibisikleta at iba pang aktibong pamamaraan. 

Sinusuportahan ang paggamit na para sa lahat: Gawing nagagamit ng lahat ang aktibong transportasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sistema sa kabuuan ng lungsod ng mga kalyeng low-stress (nagbibigay ng prayoridad sa mga bisikleta) at pagkonekta sa mga indibidwal sa elektronikong mobility device (kagamitan na ginagamit ng may kapansanan) at iba pang umuusbong na teknolohiya.  Gawin ang sistema ng aktibong transportasyon na nagsasama sa lahat, madaling magamit, at malugod na tinatanggap ang mga gumagamit na may kapansanan. 

Maghatid ng totoong mga resulta: Tiyakin ang pagpopondo at mabilis na ihatid ang mga proyekto; magpakita ng agarang pangangailangan at paggalang sa partisipasyon ng mga residente sa proseso ng pagpaplano.

Bumuo at magpahusay ng mga bagong lapit o approaches: Gawing mas simple ang pagbubuo at pagpapahusay sa proyekto at tumukoy ng mga pamamaraan upang mapanagot ang mga ahensiya ng Lungsod.

Pagsesentro sa Katarungan sa Pagkakapantay-pantay

Tinatanggap ng SFMTA na nagkaroon ng kasaysayan ang San Francisco kung saan may mga nakaraang proyekto ito sa transportasyon na nagpatibay sa institusyunal at istruktural na rasismo - na  nagdulot ng pinsala, matinding karanasan o trauma, at kawalan ng espasyo para sa mga komunidad ng may kulay. Upang magkaroon ng sistema ng ligtas, malugod na tumatanggap sa lahat, at may katarungan sa pagkakapantay-pantay, kailangang muling magkaroon ng pagtitiwala at mapagtibay ito, at isentro ang mga boses at pangangailangan ng mga indibidwal na may kasaysayan ng hindi pagkakasama. Pagtutuunan ng Plano para sa mga Aktibong Komunidad ang pagpapalahok sa lahat, at magkatuwang na pagkakaroon ng mga proyekto sa mga komunidad kung saan ang nakaraang mga proyekto para sa ugnayan sa pagbibisikleta ay nagdulot ng paghihiwa-hiwalay sa mga komunidad na may kasaysayan ng pagkakasantabi. Kailangang muling magkaroon muli ng tiwala sa Biking and Rolling Plan (Plano para sa Pagbibisikleta at Pagrorolyo) at mapagtibay ito, at maiayon ang mga proyekto sa kinabukasan sa mga pinahahalagahan ng komunidad.

Mga Komunidad na Binibigyan ng Proyoridad  + Mga Ka-partner:

Kung Paano Kayo Puwedeng Makisangkot

Pagkakataon na ang planong ito upang mag-adbokasiya para sa mga pagpapahusay sa inyong komunidad, kasama na ang:

  • Bago at pinaghusay na ugnayan para sa mga indibidwal na gumagamit ng wheelchair, scooter, at bisikleta
  • Mas maraming paradahan at katuwa-tuwang mga katangian sa lugar para sa mga bisikleta
  • Bagong pangkomunidad na mga programa at polisiya upang mas maging madali sa inyo na makapunta sa iba’t ibang lugar

Magtataguyod ang pangkat ng SFMTA, nang may suporta ng mga kawani ng SF Bicycle Coalition, ng isang taon ng pag-abot sa nakararami at mga pagtitipon para sa pagpapalahok sa 2023, at nang maintindihan ang mga pangangailangan sa transportasyon sa antas ng mga komunidad at sa kabuuan ng lungsod. Sa unang yugto ng pag-abot sa nakararami, nakatuon ang pagbibigay ng opinyon sa karanasan ng mga residente at kanilang mga inaasahan at pangarap para sa hinaharap. Direktang bibigyang-impormasyon ng mga opinyon ito ang mga rekomendasyon para sa sistema ng Aktibong Transportasyon at mga mungkahi sa polisiya/programa na ibabahagi sa publiko sa ikalawang yugto ng pag-abot sa nakararami.

May dose-dosenang oportunidad sa taong 2024 na batay sa kalendaryo, upang direktang makipagkita sa mga kawani ng proyekto at magbahagi ng mga iniisip at opinyon, dahil regular na lalagyan ng bagong impormasyon ang iskedyul ng pag-abot sa nakararami (outreach schedule) na nasa page sa internet ng proyekto. Magpalista para sa pinakabagong impormasyon sa proyekto sa pamamagitan ng webpage na ito, at nang sa gayon ay manatili kayong may impormasyon ukol sa nalalapit na mga oportunidad!  Mangyaring makipag-ugnay sa BikeRoll@SFMTA.com upang humiling ng pakikipagkita sa pangkat para sa proyekto sa inyong komunidad o sa lugar na malapit sa espesipikong koridor. Inaasahan naming mapakinggan kayo! 

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay (Contact Information)