This page has older content

Please see Related Projects on this page for current project information. We are keeping this page as a record of SFMTA outreach.

Pinal na Plano ng Transportasyon ng Visitacion Valley at Portola na Nakabase sa Komunidad

Share this:

 

Noong Disyembre 2022, inilathala ng SFMTA ang draft na plano na kinabibilangan ng 45 proyekto – $25 milyon na halaga ng mga pagpapabuti sa transportasyon – sa buong Visitacion Valley, Portola, Little Hollywood at Sunnydale na hiningi ng mga miyembro ng komunidad, pati na rin ang mga rekomendasyong patakaran upang mapabuti ang mobilidad, access at kalidad ng buhay para sa mga residente. Pagkatapos ay hiniling namin sa komunidad na ipaalam sa aming kung aling mga proyekto ang uunahing ipatayo.

Ngayon, kabilang sa Pinal na Plano ng Transportasyon ng Visitacion Vallet at Portola na Nakabase sa Komunidad ang mga priyoridad na konstruksyon ng komunidad.

Mga Susunod na Hakbang

Pagbobotohan ng Lupon ng mga Direktor ng SFMTA sa Pinal na Plano sa Marso 21. Sa oras na maaprubahan, pinaplano ng SFMTA na simulan ang konstruksyon sa tag-init ng 2023, simula sa proyektong hiniling ng komunidad na unahing ipatayo.

Kasaysayan

Ang Pinal Plano ng Transportasyon ng Visitacion Valley at Portola na Nakabase sa Komunidad na sumasalamin sa mahigit dalawang taon ng kolaborasyon ng SFMTA sa komunidad upang tukuyin ang mga pangangailangan, priyoridad at pagpapahalaga para sa mga tumutugong solusyong hatid ng komunidad.

Pakikipag-ugnayan at Opinyon

Salamat sa malalakas na lokal na pakikipagtulungan sa mga Family Connections Center sa Portola at sa River of Life Church sa Visitacion Valley, nakipag-ugnayan kami sa mahigit 2,500 residente sa halos 50 kaganapan at nakapagkolekta ng halos 900 survey at mahigit 600 nakasulat na komento upang gumawa ng Draft na Plano.

Nakatulong sa amin ang unang yugto ng pakikipag-ugnayan ng SFMTA na matukoy ang mga pangangailangan, pagpapahalaga at hamon na kinakaharap ng mga miyembro ng komunidad kapag ginagamit ang mga lokal na kalye.

Nakatulong sa amin ang ikalawang yugto ng pakikipag-ugnayan sa paghubog at pagpapabuti ng mga potensyal na solusyon na may maraming lokal na komento.

Sa panahon ng ikatlong yugto ng pakikipag-ugnayan, ipinaalam sa amin ng mga miyembro ng komunidad kung aling mga iminumungkahing proyekto ang unang bibigyan ng priyoridad. Batay sa komentong ito, sisimulan ng SFMTA ang pagpapatayo ng mga proyekto sa pagkakasunud-sunod na naaayon sa preperensya ng komunidad na inaasahang masimulan sa tag-init ng 2023.

Kung gusto mong magbigay ng presentasyon sa grupo ng iyong komunidad tungkol sa pinal na plano, mga kasamang proyekto at kung paano maisasakatuparan ang mga rekomendasyong ito, mangyaring mag-email sa amin sa VisValleyPortolaPlan@SFMTA.com.