Mangolekta ng mga selyo at maranasan ang 100 milya ng mga pagpapabuti ng pampublikong sasakyan gamit ang Muni Forward Passport at interactive na mapa ng kuwento.
Kunin ang iyong pasaporte ngayon
Kunin ang limitadong edisyong Muni Forward Passport sa isang Transit Month event o kalahok na negosyo habang may supply nito!
Gamitin ang passport para tuklasin ang sampu na mga proyektong corridor ng Muni Forward. Itinatampok ng sariling-gabay na tour na ito ang kung saan nag-invest ang lungsod sa mga proyektong nagpapabuti sa serbisyo ng Muni gamit ang toolkit ng mga napatunayang pag-upgrade sa transit at kaligtasan.
Kunin ang iyong passport na "may stamp" at manalo ng magagandang premyo! Sa bawat isa sa sampung corridor ng Muni Forward sa panahon ng Transit Month, sa Setyembre 2024, makukuha mo ang iyong passport na nilagyan ng stamp ng isang lokal na negosyo. Mag-click sa corridor upang makita ang mga kalahok na negosyo!
- Hanapin ang karatulang Muni Forward signage sa bawat corridor. Tingnan ang mapa upang makita kung saan nakapaskil ang mga karatula.
- Pakinggan ang espesyal na audio segment para sa bawat corridor
- At kumuha ng selfie upang maibahagi ang iyong pag-unlad sa social media! #MuniForwardPassport
Sumali para mapanalunan ang ginagabayang tour ng Muni Forward at ipinagdiriwang na 10-taong anibersaryo ng Muni Forward goodies sa ibaba.
Ipinagdiriwang ang 10 taon – at 100 milya – ng Muni Forward
Nilalayon ng aming programang Muni Forward na gawing pinakamahusay na paraan ang Muni para malibot ang San Francisco. Mula pa noong 2014, ang Programang Muni Forward ng SFMTA ay pinalawak ang network ng Rapid ng Muni na ginagawang mas maaasahan at madalas ang Muni sa mga pinakaabalang corridor ng Muni.
Nagpatayo kami ng 100 milya ng mga pagpapabuti upang mabawasan ang oras ng paghihintay ng mga taong sumasakay sa Muni sa trapiko o sa mga hintuan. Pinabuti rin namin ang kaligtasan para sa mga taong naglalakad sa mga ruta ng Muni sa buong lungsod. Ginawa namin ito gamit ang toolkit ng mga subok nang upgrade sa transit at kaligtasan tulad ng mga pulang transit lane, bus bulb para sa mas mabilis na pagsakay at mga signal na pantrapiko na nananatiling luntian para sa transit.
Ang mga pagpapabuti ng Muni Forward ay ginawa sa pamamagitan ng pambuong-sistemang pamamaraan, na binibigyan ng kaalaman ng data, customer at Istratehiya sa Ekidad ng Serbisyo ng Muni. Ang makabagong istratehiyang ito ay naghahatid ng mga pagpapabuti sa transit sa mga kapitbahayan ng San Francisco na pinaka-umaasa sa Muni: ang mga may malalaking bilang ng mga sambahayan na may mabababang kita, mga taong hindi puti, matatanda at mga taong may mga kapansanan, at mas mabababang dami ng sasakyan.
Kung saan gumawa ang programang Muni Forward ng mga pagpapaburi sa nakaraang dekada, dumami ang mga pagsakay, na tumutulong sa pagbawas ng trapiko at natutugunan ang aming mga layunin ng aksyong pangklima.