Gusto po naming makarinig mula sa inyo!
Kayo po ba ay nakatira o nagtatarabaho sa San Francisco? Ipaabot sa amin ang inyong mga inaasahan at alalahanin para sa curbside charging ng EV sa pamamagitan ng pagsagot sa aming Community Feedback Form bago ang Hunyo 20. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa proyekto, tingnan po ang aming Community Webinar Presentation.
Nagtatrabaho po ba kayo sa industriya ng EV charging? Mangyaring sagutin ang aming Industry Feedback Form bago ang Mayo 31.
Ang pagpapasimuno sa Curbside EV Charging Feasibility Study at Pilot ay bahagi ng mga pagsisikap ng Lungsod na matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mga EV sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagtatatag ng mahigit sa 1,500 public charger pagsapit ng 2030. Pangunahing layunin ang makapaglagay ng mga public EV charging pilot station sa gilid ng bangketa sa maraming komunidad sa buong San Francisco, na kinalaunan ay para maging isang programa ito para sa buong lungsod.
- Planning
Nagsimula noong panahon ng taglagas ng 2023, ang Curbside Electric Vehicle Charging Feasibility Study and Pilot ay isang teknikal na pag-aaral na tutulong matukoy kung makakabuti ang ang pagpapatupad ng isang public curbside electric vehicle charging pilot program at pagbuo ng mas matibay na mga ugnayan sa industriya ng EV, iba pang mga ahensiya ng Lungsod, at mga stakeholder na komunidad. Tutuklasin nito kung paano ang mga imprastruktura para sa public charging na naka lagay sa gilid ng bangketa ay nakakapag-ambag at naging kapakipakinabang sa kalusugan, pagkapantay-pantay ng lahat at kadaliang makapunta kung saan saan (mobility) at nilalayon na magawa dito ang karamihan ng mga pa-unang trabaho bago pa man ang mga pagpaplano na kinakailangan para sa pagpapatupad ng isang pilot sa hinaharap.
Ang proyektong ito ay naaayon sa 2021 Climate Action Plan at sa EV Roadmap na sama-samang binuo ng mga kawani mula sa SFMTA, SFE, at iba pang mga ahensiya at stakeholder. Layunin ng Climate Action Plan na tulungan ang lungsod na maisakatuparan ang mga target sa klima nito sa 2040 sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga mapaminsalang emisyon na nalilikha sa sektor ng transportasyon. Ang pag-aaral na ito ay magkasamang pangungunahan ng SFMTA at SF Environment at kabilang din dito ang iba pang mga may kaugnayang departamento.