Minsanang Pagsakay - Adult (nasa sapat na gulang)

Share this:

May bisa ang pamasahe para sa minsanang pagsakay o single ride sa Muni sa loob ng 120 minuto ng pagbibiyahe, iisa man ang ruta nito, o biyaheng may iba’t ibang paglipat sa mga bus at light rail. Makatitipid kayo ng $0.25 sa bawat biyahe sa pamamagitan ng pagbabayad gamit ang Clipper® Card o MuniMobile.

Para sa impormasyon tungkol sa pamasaheng may diskuwento, tingnan ang Mga Diskuwento para sa Kabataan/Matatanda (Senior)/Taong may Kapansanan.

Posibleng interesado ang mga bisita sa aming Mga Pases para sa Bisita (Visitor Passes) na pang-1, 3 at 7 Araw.

Posibleng mas mura ang Buwanang Pases (Monthly Passes) para sa mga residente.

PAGBABAYAD GAMIT ANG CLIPPER®

Puwede kayong mag-load ng cash sa inyong Clipper card para magbayad sa mga minsanang pagsakay. Kung ita-tap (ipapatong o ididikit) ninyo nang bahagya ang Clipper card sa reader (nakapagbabasa ng lamang pera ng Clipper card) sa inyong pagsakay, may 120-transfer o paglipat na maiipon sa inyong card. Kailangan ninyong i-tap ang inyong card sa bawat pagpasok ninyo sa sasakyan.

Hindi kailangang "mag-tag" para lumabas ng Muni Metro. Ang mga gate ng pamasahe ay may mga motion sensor at awtomatikong magbubukas. Maglakad ka lang. Maaaring iba ito sa iba pang mga serbisyo ng transit tulad ng BART at Caltrain, na nangangailangan ng mga kostumer na "mag-tag" out. 

PAGBABAYAD SA PAMAMAGITAN NG CASH/BARYA

Magdala ng Eksaktong Bayad

Hindi nagbibigay ng sukli sa bus o sa mga sasakyang light rail. Dumaan na sa kung saan man at kumuha ng eksaktong bayad bago sumakay o mag-load ng cash sa inyong Clipper card para maiwasan ang abala.   Kailangang bumili ang mga kostumer na nagbabayad ng cash sa mga estasyon ng light rail na Muni Metro ng Limited Use Ticket (tiket na limitado ang paggamit) sa Ticket Vending Machine (makinang nagbebenta ng tiket, TVM) na matatagpuan sa labas ng faregate  (pinapasukang gate kung saan kailan na ng bayad).  Tinatanggap ang cash o credit/debit card sa mga makinang ito. I-tap ang tiket sa reader na nasa faregate para makapasok.

Dalhin ang Resibo ng Inyong Pamasahe “Transfer o Pruweba sa Paglipat ”) sa Lahat ng Panahon

Habang nakasakay kayo sa bus, bibigyan kayo ng drayber ng resibo para sa pamasahe (na madalas na tinatawag na “transfer o pruweba sa paglipat”).  Dalhin ninyo ito sa lahat ng panahon, may plano man kayong lumipat sa ibang ruta o wala. Kapag hindi kayo binigyan ng resibo ng drayber, tandaan ninyong hingin ito.  Ang pagsakay sa Muni nang walang pruweba ng pagbabayad ay posibleng humantong sa pagkakaroon ng tiket at malaking multa, kaya itago ang inyong resibo! Kailangan ding maipakita ang resibong ito sa station agent (ahente ng estasyon) kapag lumilipat sa light rail sa estasyon ng Muni Metro, at nang makapasok sa fare gate.  Elektronikong inirerekord ang oras ng paglipat ng Limited Use Ticket (tiket na limitado ang paggamit) na binili mula sa TVM.

Bantayan ang Oras

Palaging bantayan ang oras na nasa inyong resibo o tiket para matiyak na may bisa pa ito. Kailangang makumpleto ninyo ang inyong biyahe sa loob ng 120 minuto. Kapag nawalan na ng bisa ang inyong transfer, kailangan ninyong magbayad ng pamasahe para sa minsanang pagsakay (single ride).

Mag-tag ng Isa at Tapos Na

Pinahihintulutan kayo ng mga tiket na binili makalipas ang 8:30 pm na sumakay ng Muni nang buong gabi na pangminsanang pagsakay (single fare) lamang ang pamasahe (hindi kasama rito ang cable car) kapag gumagamit ng cash-lamang na farebox o ng MuniMobile app.

Ipinatutupad rin ang walang limitasyon o kahit na ilang beses na pagbibiyahe sa gabi sa mga may hawak ng tiket na Limitado ang Paggamit (Limited Use) at sa mga gumagamit ng Clipper. I-tag ang inyong Clipper card o tiket na Limitado ang Paggamit nang isang beses makalipas ang 8:30 p.m. at magbiyahe nang hanggang 5 a.m. sa susunod na araw -- hahantong sa dagdag na singil sa pasahe ang pagta-tag nang maraming beses.  Ipakita na aktibo nang Clipper card o tiket na Limitado ang Paggamit sa operator ng Muni o Station Agent na nasa booth ng Metro, o kung wala tao roon, dumiretso na sa faregate na pinakamalapit sa booth.

MGA TOKEN

Puwede lamang magamit ang token ng mga organisasyon ng gobyerno/non-profit para sa mga serbisyo sa kliyente. Kung mayroon kayong nabili nang token, puwede pa ring magamit ang mga ito sa pagbibiyahe.  Wala nang kailangang dagdag na bayad. Kailangang bumili ang mga kostumer na nagbabayad gamit ang token sa mga estasyon ng light rail na Muni Metro ng Limited Use Ticket (tiket na limitado ang paggamit) sa Ticket Vending Machine (makinang nagbebenta ng tiket, TVM) na matatagpuan sa labas ng mga faregate  (pinapasukang gate kung saan kailan na ng bayad). Tinatanggap ang mga token sa Ticket Vending Machine (makinang nagbebenta ng tiket, TVM). I-tap ang tiket sa reader na nasa faregate para makapasok.

Kontakin ang Revenue.Sales@sfmta.com para sa iba pang impormasyon kung paano makabibili ng mga token

MGA PAGLIPAT SA PAGITAN NG MGA AHENSIYANG PANTRANSPORTASYON (INTER-AGENCY TRANSFERS)

Paglipat papunta at mula sa Iba Pang Ahensiya na Pantransportasyon

Nagkakaloob ang SFMTA ng singkuwenta sentimos na diskwento mula sa pang-adult (nasa sapat na gulang) na minsanang biyahe sa mga kostmer na lumilipat sa Muni mula sa mga ahensiyang nakalista sa ibaba, kapag gumagamit sila ng Clipper card (hindi naipatutupad ito sa mga serbisyo ng Cable Car). May ilan ding ahensiya na nagbibigay ng katumbas na diskuwento sa minsanang pagsakay sa mga kostumer ng Muni na palipat sa kanilang serbisyo. Pakibisita ang kani-kanilang website o ang 511 para sa iba pang impormasyon sa mga patakaran at diskwento sa pamasahe. 

Paglipat mula sa estasyon ng Daly City BART papunta sa Muni

Kuwalipikado kayo para sa dalawang libreng pagsakay sa 14R, 28, 54 at 57 na mga ruta ng Muni kapag lumilipat mula sa Estasyon ng Daly City Bart at nagbabayad ng pamasahe gamit ang Clipper. Kailangang isagawa ang unang biyahe sa loob ng 23 oras matapos lumabas ng BART, at ang ikalawang biyahe sa loob ng 24 oras matapos lumabas ng BART para maging libre ang mga pamasahe. Awtomatikong naiipon ang mga libreng pamasahe kapag tinap ninyo ang inyong Clipper card matapos lumabas ng estasyon ng Daly City.  Kailangan din ninyong i-tap ang inyong Clipper card pagkasakay ng Muni bilang patunay ng pagbabayad.

 

MuniMobile
$2.75
Cash
$3.00