Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Transportasyon ng Lumalaking Lungsod - Ang Badyet ng SFMTA para sa mga Piskal na Taon 2021-2022

Share this:
Introduksyon sa Proyekto (Project Introduction)

Repasuhin ang mga Materyales para sa Open House (Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat)

Ibahagi ito sa: Facebook Twitter Email

Ang San Francisco ay lungsod na nagpapahalaga sa pagbabago at inobasyon, habang pinoprotektahan ang kapaligiran at ang kalidad ng buhay. Testamento ang ating lumalaking populasyon sa kulturang ito na tumatanaw sa hinaharap, at yumayakap kapwa sa ating mga pagkakaiba-iba at sa pinagkakaisahang mga tunguhin. 

Halos kahalating siglo na ang nakararaan, ipinatupad ng Lupon ng mga Superbisor (Board of Supervisors) ng San Francisco ang polisiyang inilalagay sa unahan ang pampublikong transportasyon (transit-first policy), na nagbibigay ng prayoridad sa paggalaw ng mga tao at kalakal na may pagtutuoon sa pampublikong transportasyon, paglalakad, at pagbibisikleta, sa halip na pagbibiyahe gamit ang pribadong sasakyan. Isinusulong ng Ahensiya ng San Francisco para sa Munisipal na Transportasyon (San Francisco Municipal Transportation Agency) ang ganitong batayang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pamamahala sa sistema ng transportasyong gumagamit ng mga daan o riles (surface transportation) ng lungsod, kasama na ang Muni, pagpaparada at trapiko, pagbibisikleta, paglalakad, at mga taksi. Araw-araw, mahigit isang milyong tao ang umaasa sa amin upang matiyak ang ligtas at maaasahang pagbibiyahe sa kabuuan ng lungsod.

Matulungan kayong maintindihan ang mga oportunidad at hamon sa hinaharap, iniimbita namin kayong lumahok sa pagtatakda ng aming mga Badyet para sa Operasyon at Pangangapital (Operating and Capital Budgets) para sa mga Piskal na Taon (batay sa pagpaplano para sa badyet) na 2021 at 2022. Dahil sa online at harap-harapang pagmimiting, magkakaroon kayo ng pagkakataon na alamin pa kung ano-ano ang ginagawa namin at maintindihan ang mahihirap na pagdedesisyon na kinakaharap ng malalaking lungsod na tulad ng San Francisco.

Puwede rin kayong mag-e-mail ng mga komento sa sfmtabudget@sfmta.com

Ipagkakaloob ang iba pang petsa ng mga miting sa hinaharap sa website na ito at sa pampublikong abiso.

Mungkahing mga Pagbabago sa Pamasahe at Serbisyo

Bilang bahagi ng proseso ng pagbabadyet, isasaalang-alang ng Lupon ng SFMTA ang mga pagbabago sa pamasahe at serbisyo.

Mga Pampublikong Miting

Puwedeng magkaloob ng libreng tulong sa wika at Amerikanong Wika sa Pagsenyas (American Sign Language) kapag mayroong abiso 48 oras bago ang pagtitipon. Kontakin si Jonathan Streeter, ang Opisyal para sa Pampublikong Impormasyon (Public Information Officer), sa 415.646.2109 o sa jonathan.streeter@sfmta.com upang kumpirmahin ang inyong kahilingan.

Inaasahan naming makita kayo sa isa sa mga sumusunod na miting:

Mga Miting ng Lupon ng mga Direktor (Board of Directors)

Martes, Marso 17, 1pm

Martes, Abril 7, 1pm

City Hall, Room 400
1 Dr. Carlton B. Goodlett Place

Open House ng Online Budget

Huwebes, ika-19 ng Marso, 5:00 pm - 6:30 pm

Live feed: Ang pahinang ito

Twitter: @SFMTA_Muni

Facebook: SFMTA_Muni

Online na Pag-uusap tungkol sa Badyet kasama si Jeff Tumlin

Huwebes, Abril 2, 11:30am - 12:30pm

Twitter: @SFMTA_Muni

Facebook: SFMTA_Muni

Live feed: SFMTA.com/budget



** Ang kaganapan na ito ay nakansela **

Open House (Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat) ukol sa Badyet

Miyerkoles, Marso 11, 4-7 pm

One South Van Ness, 2nd Floor Atrium



 

Kung Makatutulong ang Inyong Opinyon sa Pagbuo ng Badyet

Sa pamamagitan ng inyong opinyon, susuriin at pagdedesisyonan ng Board ang iba’t ibang uri ng mungkahi sa badyet, kasama na ang mga sumusunod.

  • Katarungan sa Pagkakapantay-pantay o Equity sa Transportasyon at mga prayoridad
  • Mungkahing mga pagbabago sa pamasahe at serbisyo
  • Mga proyekto para sa mga bisikleta
  • Singil sa pagparada
  • Mga imprastruktura para sa kaligtasan ng naglalakad
  • Mga pagpapaganda sa kalye
  • Mga suhestiyon para sa iba pang kita

Mga oportunidad ang mga miting na ito upang malaman ninyo ang mga inaasahan sa badyet (budget outlook) at para marinig namin ang inyong mga inaalala at masagot ang mga tanong.


Kung Paano Namin Gagamitin ang Inyong Opinyon

Pagpapangkat-pangkatin at susuriin ang lahat ng papasok na opinyon ng publiko sa pamamagitan ng live-stream na miting, open house na miting, at mga email. Isasama ang impormasyon sa mga dokumento ng badyet para sa operasyon at pangangapital, at ipadadala ito sa Lupon ng SFMTA, ayon sa itinatakda ng Tsarter ng Lungsod. Pagkatapos nito, rerepasuhin ng Lupon ng mga Direktor ng SFMTA ang mungkahing badyet para sa operasyon at pangangapital sa mga pampublikong pagdinig sa ika-17 ng Marso at ika-7 ng Abril. Gagawing pinal ang badyet at pagbobobotohan ng Lupon ng mga Direktor ng SFMTA sa Abril 21. Isasama sa dokumentong Aprubadong Badyet (Approved Budget) ang anumang pagbabago sa mungkahing badyet, ayon sa pagkakasaalang-alang at pagkaka-apruba ng Lupon ng mga Direktor ng SFMTA sa mga pagdinig ukol sa badyet.


Impormasyon para sa Pagkontak

Email: sfmtabudget@sfmta.com
Telepono: 415-646-2109 Para sa libreng serbisyo sa interpretasyon, kailangan mag-request 48 oras bago ang miting.
U.S. Mail: SFMTA Board of Directors, One South Van Ness Avenue, 7th Floor, San Francisco, CA 94103

Telepono: 311 (415.701.2311 sa labas ng San Francisco) o sa TTY 415.701.2323