Filipino Title VI discrimination complaints
Ang San Francisco Municipal Transportation Agency (SFMTA) ay nangangako na ipapatupad ang mga programa at mga serbisyo nito nang hindi isinasaalang-alang ang lahi, kulay at bansang pinagmulan ayon sa Titulo VI ng Civil Rights Act ng 1964.
Kung naniniwala kayo na kayo ay hindi isinali, tinanggihan ng mga benepisyo, o naging biktima ng diskriminasyon, maaari kayong maghain ng nakasulat na reklamo sa ng SFMTA. Inaatas ng pederal na batas na ang mga reklamo ay kailangang maihain sa loob ng isang daan at walumpong (180) araw ng kalendaryo ang tungkol sa nasabing insidente.
Ang imbestigasyon sa paratang ay magsisimula sa araw na tinanggap ng Agency ang pasabi ng reklamo at makukumpleto sa loob ng 60 araw. Isang liham ukol sa resulta ng imbestigasyon (outcome letter) ang ipapadala pagkatapos na makumpleto ang imbestigasyon.
Para sa karagdagang impormasyon o para maghain ng Titulo VI Reklamo, mangyari lamang na i-klik ang mga link sa ibaba o tumawag sa 311 para sa higit pang impormasyon at libreng tulong sa lengguwahe.
- Tawag (Voice) sa loob ng San Francisco: 311.Pindutin ang 4.
- Tawag (Voice) sa labas ng San Francisco: 415.701.2311.Pindutin ang 4.
- TTY: 415.701.2323.
MANGYARI LAMANG NA IPADALA ANG NILAGDAANG PORMULARYO NG REKLAMO SA PAMAMAGITAN NG KOREO, FAX O E-MAIL SA:
SFMTA Titulo VI Pormularyo ng Reklamo (SFMTA Title VI Complaint Form)
KOREO:
San Francisco Municipal Transportation Agency (SFMTA)
ATTN: Title VI Complaints
One South Van Ness Avenue, 7th Floor
San Francisco, CA 94103
EMAIL:
TELEPONO:
Tawag (Voice) sa loob ng San Francisco: 311.Pindutin ang 4.
Tawag (Voice) sa labas ng San Francisco: 415.701.2311.Pindutin ang 4.
TTY: 415.701.2323.
Federal Transit Administration:
Maaari rin kayong maghain ng reklamo sa Federal Transit Administration.
FTA
Office of Civil Rights
1200 New Jersey Avenue SE
Washington, D.C. 20590