Mga Sasakyang Na-boot

BAYAD SA PAGTANGGAL NG BOOT: $505

Kung na-boot ang sasakyan mo, mayroon kang 72 oras mula sa oras ng pag-boot (hindi kabilang ang mga weekend at holiday) para bayaran ang mga delingkwenteng sitasyon at mga penalty upang maiwasan ang paghatak sa iyong sasakyan.

Ang serbisyong pangkomunidad sa halip na pagbabayad at mga plano ng pagbabayad, para sa mga sitasyon at penalty, ay hindi opsyon pagkatapos mahatak o ma-boot ang sasakyan mo.

Bayad sa Pagtanggal ng Boot para sa may Mababang Kita: $75 

Kailangang personal na bayaran ang bayad sa pagtanggal ng boot para sa may mababang kita sa SFMTA Customer Service Center, 11 South Van Ness Avenue (malapit sa Market Street). Available ang higit pang impormasyon sa mga rekisito sa kita sa pahina ng mga kabawasan. Kung kwalipikado ka sa bayad sa pagtanggal ng boot para sa may mababang kita, maaari mong i-enroll ang iyong mga sitasyon sa isang plano ng pagbabayad para sa mababa ang kita.

Kumpletuhin ang form ng pag-verify ng mababang kita kung nagbayad ka ng buong bayad sa pag-aalis ng boot, ngunit karapat-dapat para sa mababang diskwento sa kita. Dapat mong isama ang iyong plate number at ang petsa ng boot sa likod ng form.

Ang mga Tao na Nakakaranas ng kawalan ng tirahan Isang Bayad sa Pag-alis ng Boot: Isang $ 0

Kung nakakaranas ka ng kawalan ng tirahan at bumisita sa isang Coordinated Entry Point sa nakaraang 6 na buwan pagkatapos maaari kang maging karapat-dapat para sa isang pag-alis ng walang boot na bayad.

Kailangan mong bisitahin ang SFMTA Customer Service Center, 11 South Van Ness Avenue (malapit sa Market Street) o AutoReturn upang maalis ang boot mula sa iyong sasakyan.

 

Ang mga hakbang sa kung paano maging karapat-dapat para sa diskwento ay magagamit sa flyer na ito.

Ang isang na-update na listahan ng Coordinated Entry Points ay magagamit sa website ng Walang Tirahan at Suportadong Pabahay ng Lungsod.

 

MGA OPSYON SA PAGBABAYAD

Kung na-boot ang sasakyan mo, mayroon kang 72 oras mula sa oras ng pag-boot (hindi kabilang ang mga weekend at holiday) para bayaran ang mga delingkwenteng sitasyon at mga penalty upang maiwasan ang paghatak sa iyong sasakyan.

ONLINE (ANUMANG ORAS)

Maaari kang magbayad para sa pagtanggal ng boot at mga delingkwenteng sitasyon online anumang oras.

NANG PERSONAL SA LOOB NG BUSINESS HOURS (LUNES HANGGANG BIYERNES, 8 N.U. HANGGANG 5 N.H.)

Maaaring bayaran ang delingkwenteng sitasyon at mga bayad sa pagtanggal ng boot sa SFMTA Customer Service Center, 11 South Van Ness Avenue (malapit sa Market Street).

Tinatanggap ang cash, money order, certified check, Visa, MasterCard, at Discover sa SFMTA. Hindi tinatanggap ang mga personal na tseke at AMEX. Pagkatapos matanggap ang buong bayad tatanggalin ang boot ng sasakyan ng isang enforcement officer ng SFMTA.

PERSONAL NA AFTER HOURS NA PAG-RELEASE NG BOOT (LUNES HANGGANG BIYERNES 5 N.H. HANGGANG 11 N.G. AT SABADO 9 N.U. HANGGANG 5 N.H.)

Available ang after hours na pagtanggal ng boot kung nakapagbayad sa AutoReturn Customer Service Center, 450 Seventh Street.

Ipapadala ang isang officer ng SFMTA kung nakapagbayad sa loob ng mga oras sa itaas. Kung natanggap ang iyong bayad PAGKATAPOS ng 11 n.g., ire-release ang iyong sasakyan sa susunod na business day.

Tinatanggap ang cash, Visa, MasterCard, at Discover bilang paraan ng pagbabayad. HINDI tinatanggap ang mga personal na tseke, certified check, money order, at AMEX.

 

PAG-RELEASE NG BOOT

Batay sa kung kailan natanggap ang bayad, mare-release ang boot nang ayon sa sumusunod:

NATANGGAP ANG BAYAD

NI-RELEASE ANG BOOT NG ENFORCEMENT OFFICER NG SFMTA

Lunes hanggang Biyernes, 8 n.u. hanggang 5 n.h.

Kadalasan sa loob ng dalawang oras

Lunes hanggang Biyernes, 5 n.h. hanggang 11 n.g. at Sabado 9 n.u. hanggang 5 n.h.

Kung kailan available

Lahat ng iba pang oras at holiday

Susunod na business day

 

PAGDINIG NG BOOT

Kung naniniwala kang ang iyong sasakyan ay hindi wastong na-boot, mayroon kang karapatan sa parehong araw na pagdinig.