3-Araw na Visitor Passport (Pasaporte ng Bumibisita sa Lungsod)

Share this:

Narito man kayo para sa isang araw o ilang linggo, ginagawang simple ng SFMTA sa mga bisita na madaling maka-ikot-ikot sa lungsod. Makabibili kayo ng Visitor Passport na para sa 1, 3, o 7 magkakasunod na araw, kung saan puwede kayong sumakay hanggang sa gusto ninyo sa Muni, Muni Metro, mga makasaysayang streetcar, at cable car. May mabibili ring tiket para sa minsanang pagsakay (single ride) sa Cable Car. Huwag nang luminya at bilhin na nang maaga ang tiket sa inyong smartphone gamit ang MuniMobile.

MGA VISITOR PASSPORT (PASAPORTE NG MGA BUMIBISITA SA LUNGSOD)

  • Pareho lang ang presyo ng mga pasaporte, anuman ang edad at kakayahan.
  • Puwede lamang gamitin ang mga Muni Passport sa Muni. Hindi puwedeng gamitin ang mga ito sa BART, iba pang sistemang pantransportasyon, tour bus, o sa transportasyong papunta o mula sa San Francisco International Airport (SFO).
  • Mawawalan ng bisa ang mga pasaporte nang 11:59 pm, sa una, ikatlo o ika-pitong araw ng paggamit, at kailangang magamit bago sumapit ang Enero 31 ng taon na kasunod ng taon ng pagkakalimbag ng cover o pabalat ng Passport.

Makakukuha ng mga pasaporte sa ilang lugar na nagbebenta sa kabuuan ng Lungsod.

Kung bibili ng lima o higit pang Mga Pasaporte ng papel nang sabay-sabay, maaari mo na itong bilhin online.

 

 

Clipper
$31.00 ($33.00 effective 1/1/25)